Wednesday , January 15 2025
SMC wagi sa paglilinis ng Pampanga River
HALOS 700,000 tons ng banlik at mga basura ang natanggal sa 26.3-kilometrong haba Pampanga River sa inisyatiba ng SMC Better Rivers Ph.

SMC wagi sa paglilinis ng Pampanga River

MULING nakapuntos ang San Miguel Corporation (SMC) ng isa pang panalo sa kanilang ambisyosong pagsisikap na tumulong para pagaanin ang pagbaha sa kabuuan ng Luzon, matapos makompleto ang paglilinis sa malawak na Pampanga River, at matanggal ang 700,000 tons ng banlik at iba pang mga basura.

               Mula kalagitnaan ng Agosto hanggang Disyembre,

tinanggal ng SMC ang 694,372 metro kubikong banlik at mga basura mula sa 26.3 kilometro ng Pampanga River bilang bahagi ng nagpapatuloy na  inisyatibang “Better Rivers Ph”.

Ang proyekto ay pinangunahan ni SMC Chairman/CEO Ramon S. Ang at ginawa nang walang gastos ang gobyerno at mga taxpayer, at epektibong pinalalim ang ilog para bumilis ang pagdaloy ng tubig sa Manila Bay.

“Flooding is a major issue for our cities and provinces, with many contributing factors. For our part, we’re committed to do what we can to clean up our river systems and help government and our communities,” pahayaga ni Ang.

Bibigyan diin niya ang kahalagahan ng paglilinis sa Pampanga River: “The Pampanga River is a major waterway in Central Luzon. Waters from here go to many other provinces, including Bulacan, which is downstream.

“Since the river was already quite shallow due to siltation and pollution, during heavy rain, water would easily overflow in many areas, affecting farmlands and communities and even contributing to flooding in other areas. So, it was imperative for us to come here and help clean up the river,” ani Ang.

Sa Macabebe, isang bayan na nasa pangisdaang lugar sa Pampanga, sinabi ni Vice Mayor Vince Flores, ang pagtatanggal ng banlik at mga basura sa Pampanga River ay hindi lamang simpleng paglilinis.

“It’s a lifeline for a town burdened by its role as a natural catch basin,” ani Flores sa isang panayam nitong nakaraang Nobyembre.

“Floodwaters from Nueva Ecija and San Fernando end up here. Before this (river cleanup), it took days, even weeks, for water to recede. Now, with deeper channels, the flood subsides faster.”

Ang pagsisikap, aniya, ay krusyal hindi lamang sa pagpapagaan ng baha kundi pagbuhay din sa lokal na ekonomiya, lalo’t ang mga natanggal na banlik mula sa ilog ay ginagamit para patibayin ang mga dike at coastal roads.

Ayon sa vice mayor, ang ibang banlik ay ginagamit na pampalitada upang maitaas ang mga kritikal na public infrastructure sa Macabebe, gaya ng mga eskuwelahan.

Ang paglilinis sa Pampanga River nadagdag sa listahan ng mga natapos na inisyatiba ng SMC pagkatapos ng malawakang paglilinis sa Bulacan River systems noong nakaraang taon, na umabot sa mahigit 4.31 milyong metric tons (M/T) ng banlik at mga basura mula sa 74.5 kilometrong ilog.

Kabilang dito ang major waterways gaya ng Taliptip-Maycapiz-Bambang, Meycauayan, Marilao, Mailad-Sta. Maria, Guiguinto, Balagtas, Pamarawan, Kalero, at Labangan-Angat Rivers.

Sa kabuuan, ang inisyatibang Better Rivers PH, inilunsad noong 2020, ay nakapaglinis na ng kabuuang 156.42 km waterways, at nakapagtanggal kabuuang 8,348,440 M/T banlik at basura hanggang 2 Enero 2025.

Kabilang dito ang 1.12 M/T tinanggal sa 10.9 km Tullahan River; 1.18 M/T sa 26 km Pasig River; 322,739 M/T sa 7.61 km San Juan River; at 417,044 M/T mula sa 5.3 km Pedro River  — bukod sa paglilinis ng Bulacan at Pampanga at iba pang nagpapatuloy na pagsisikap sa Metro Manila at timog Luzon.

Binigyang diin ni Ang kung paanong ang SMC ay nanindigan sa paglilinis ng mga major rivers dala ang ‘malasakit,’ pagkilala kung paanong ang mga Filipino na naninirahan at nabubuhay sa coastal communities ay nabibigyan ng proteksiyon sa kanilang kaligtasan ganoon din sa ekonomiya.

“As an added benefit, our Better Rivers PH cleanup enables safer operations of water ferries like along Pasig River, and even improves water quality — and people say it reduces foul odors, and, of course, it restores marine ecosystems,” diin ni Ang.

Pagwawakas ng SMC Chairman/CEO: “So, it really makes us happy to continue providing this service to the Filipino people.” (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Chavit Singson Vbank VLive

Manong Chavit pinahalagahan kalusugan, pagtakbong senador iniatras

“MGA kaibigan, mahalaga na maayos ang kalusugan para magpatuloy ako sa pagtulong at magbigay ng …

FPJ Panday Bayani

Edukasyon sa lahat, mataas na sahod sa mga guro tungo sa AmBisyon 2040 – Brian Poe

IMINUNGKAHI ng unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan party list na si Brian Poe Llamanzares …

APCU 1

PH-China Understanding, Inc. inducts new officers, members

The Association for Philippines-China Understanding Inc. (APCU) has inducted its new officers and members/associates recently. …

BingoPlus jackpot 1

BingoPlus player bags a jackpot prize of 312 million pesos

BingoPlus, the country’s most comprehensive digital entertainment platform, celebrated yet another milestone. A lucky player …

BingoPlus The Kingdom Piolo Pascual FEAT

BingoPlus hosts an exclusive block screening of Piolo Pascual’s The Kingdom

METRO MANILA – BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, hosted another exciting …