Tuesday , January 7 2025
JohnRey Rivas

JohnRey Rivas katas ng teatro ipinagpatayo ng bahay 

HARD TALK
ni Pilar Mateo

BAGO pumasok ang 2025, hindi natatapos ang kwentuhan namin ng bagong piling President ng PSF o Philippine Stagers Foundation na itinatag ni Atty. Vince Tañada, na si Johnrey Rivas.

Mas gusto na ni Vince na ipaubaya na kay Johnrey ang pagpapatakbo ng teatro ng Blackbox.

At kung papalarin pa uli sa kabila ng mga kapangitang bumubulaga sa mga simulain ni Vince at kanyang produksyon, tutuloy pa rin naman siya sa paggawa ng makabuluhang mga pelikula. Na gaya ng Katips at Ako si Ninoy

Nasilat man siya sa  plano para sa pelikulang Himala: The Musical, hindi naman doon natatapos ang pangarap nito. Lalo pa’t may kaagapay na siya sa paghahanda sa lahat ng plano sa PSF.

Ang nakatutuwa sa kwento ni Johnrey, ‘yung nais niyang ibahagi sa kapwa niya entabladista. Na hindi totoo na walang pera kung taga-teatro ka.

“MAY SARILI NAPO KAMING BAHAY AT LUPA!!!

“Sino magsasabi na tatapusin ko ang taong ito na nakatira sa Dream House namin? Sino magsasabi na ang taong “NPA” – No Permanent Address ay magkakaroon ng sariling bahay na nakapangalan sa kanya? At sinong nagsabi na walang pera sa pagti-teatro!? Ito po at basahin ninyo ang DREAM HOUSE Journey ko

“Nagbabago ang tao para sa ikabubuti nito pero ang hindi nagbago ay ang pagmamahal ko sa pamilya ko na pangarap na magkaroon kami ng ipagmamalaki at matatawag na sariling akin o amin. Iyan ang natupad na pangarap ko ngayong 2024. 

“Ang magkaroon ng sariling bahay.”

“Palibhasa ay lahat ng nakukuha namin na kita sa kanya- kanyang trabaho ay sasapat lang sa pang-araw-araw, namulat ako na palipat-lipat kami ng tirahan at nagungupahan kung saan-saan. 

“Pino-problema ang pambayad ng renta buwan-buwan at pinagkakasya ang budget pangkain para maka-survive ng isang buwan. Doon ako nagising  at nasabi sa sarili kong, ‘balang araw magkakabahay din kami at magkakaroon ng sari-sariling kwarto.”

“Sa 13 taon ko sa pagti-teatro sa Philstagers ay wala akong ibang inisip muna kundi sarili ko. Pinanday ko ang karera sa larangan at ginastusan ang sarili ko at pinatikman ng mga bagay na ‘di ko narasan noong bata pa ako.

“Isa na roon ang pagbili ko ng gadgets kaliwa’t kanan, pero noong tumungtong ako ng 25 yrs old, doon ako nagising at nagsabi sa sarili ko na mag-iipon ako para sa pamilya ko. Hindi masamang i-spoil ang sarili pero ‘pag sobra na, tignan maige kung may napupuntahan ba ang mga pinaghirapan sa buhay. 

“Lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng taong tumulong sakin na maipatayo ang dream house ko. Sa Philstagers Foundation na nagbigay sa akin ng trabaho at kay Boss Direk Vince Tanada sa pag-guide sa akin sa buhay at pag- inspire sa akin na tuparin ang mga pangarap ko at siyempre ang nagbigay sa akin ng maraming opportunities. 

“Sa pamilya ko na naging inspirasyon at sandigan sa pagtatayo nito at higit sa lahat sa Panginoong Maykapal na nagbigay ng lakas ng loob at kayakap ko sa mga panahong said na said na ko.

“UNSOLICITED ADVICE mula sa akin? 

“Hangga’t bata ka at may kakayahan na mag-ipon para sa pangarap mo, simulan mo na, para mas marami kang maabot pa na mga pangarap mo sa buhay. 

“PS: Ilang taon kong itinago dahil ayokong masabihan na nagyabang o nakuha lang sa maling paraan. Pinaghirapan kong todo at hindi biro ang journey ko na matupad lang ang pangarap ko na ito. Salamat Lord God, Salamat Universe! Salamat sa buwan at sa mga bituin!”

Ibinahagi rin ni Johnrey ang mga panahon ng pagpapagod niya para makamit ang pangarap.

TIMELINE:

2022 – Nakabili ako ng 200sqm na lupa sa Malolos Bulacan

2023 – Pinatambakan ko at pinabakuran

2024 – Pinatayuan at napatapos ang bahay

Ang isa sa aking mga  “Balang araw” ay Natupad na ngayon. Salamat jud ginoo!  #Jreyrivas #KaNguso #Philstagers #vtam #ANGARTISTA.

Ito ang klase ng mga istoryang magandang ibahagi para maging huwaran. Taga-teatro ka man o taga-industriya ng telebisyon at pelikula. Para sa lahat! 

About Pilar Mateo

Check Also

Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Sylvia ibinuking Arjo elementary pa lang nangungulit na para mag-artista

RATED Rni Rommel Gonzales SEPTEMBER 5, 2024 nang manalo si Arjo Atayde bilang Best Lead Actor in …

Sugar Mercado Salome Salvi Intele Builders Development Corporation Cecille Bravo Pedro Pete Bravo

Sugar at Salome pinasaya thanksgiving party ng Intele

MATABILni John Fontanilla PINASAYA ni Sugar Mercado at VMX star Salome Salvi ang two-part Christmas …

Anjo Pertierra Mang Tani

Anjo idol si Mang Tani, minsang nagka-trauma sa bagyo

RATED Rni Rommel Gonzales MAHIRAP ang obligasyon ni Anjo Pertierra na weather reporter ng Unang …

Sylvia Sanchez Arjo Atayde Richard Somes Topakk

Sylvia espesyal FPJ Memorial Award sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales KAUSAP namin ang aktres at mega-producer na si Sylvia Sanchez bisperas …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, nakapagtala ng panibagong record  
HIGIT 267,000 MATERYALES NIREBYU SA LOOB NG 2024

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA LAYUNING mabigyan ng angkop na klasipikasyon ang lahat ng …