Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
QCinema 2024

12th QCinema mas pinalaki at pinabongga 

MATABIL
ni John Fontanilla

EXCITING ang gaganaping 12th QCinema ngayon na may festival theme na The Gaze dahil humigit kumulang na 76 pelikula na kinabibilangan ng 22 short films at 54 full-length features na mula sa iba’t ibang kategorya.

Ang filmfest ay idaraos mula Nobyembre 8 hanggang 17 sa Gateway Cineplex 18, Ayala Malls Cinema sa Trinoma at gaganapin naman ang Red Carpet sa Shangri-la Plaza, at Powerplant Mall.

Ilan sa pelikulang mapapanood sa opening night ng 12th QCinema sa Nov. 8 ang Walay Balay ni Eve Baswel (Philippines), Gogularaajan Rajendran ( Malaysia), Nightbirds ni Maria Estela Paiso(Philippines), Ashok Vish (India), Silig ni Arvin Belarmino (Philippines ),  Lomorpich Rithy(Cambodia), Cold Cut ni Don Eblahan (Philippines), at  Tan Siyou (Singapore).

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, “QCinema can be the initial wedge to help us break the glass ceiling of world cinema and create the path to global recognition and respect.”

Dagdag pa nito, “This vision of QCinema is now a work in progress and is one major factor why Quezon City hopes to be designated as a UNESCO (United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization) Creative City for Film. 

When that happens, our city will be the first in Asia to be given such a distinct honor.”

Habang mapapanood naman sa closing ng QCinema sa Nov. 17 ang mga Japan’s entry sa  2024 Academy Awards ang Cloud ni Kiyoshi Kurosawa, na napanood sa Venice International Film Festival.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gun poinnt

2 sekyu nag-away sa botika, 1 patay

PATAY ang isang security guard nang barilin ng kapwa sekyu makaraang magkapikunan sa pagtulog sa …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …