MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYA ang guwapo at mahusay na aktor na si Potchi Angeles dahil napasama siya sa advocacy film na Believe It Or Not? na hatid ng A&Q Productions ni Atty. Aldwin F. Alegre at ng AFA Entertainment, directed by Errol Ropero.
Ang pelikula ay tumatalakay sa bullying na kalimitan ay nangyayari sa loob ng eskuwelahan.
Ayon kay Potchi, “Very timely po kasi ang theme ng movie namin at talagang nangyayari po lalo na po sa mga school natin na napalakas ng peer pressure.
“Kaya naman po proud po ako na maging part ng movie na ito to be able to spread awareness about the effects of bullying.
“Minsan po kasi ‘di nila alam na mali iyong ginagawa nila. So, hopefully maging eye opener po iyong movie namin.”
Dagdag pa ni Potchi na minsan na rin siyang na-bully noong bata pa siya, kaya naman sinusuportahan nito ang Anti Bullying Campaign.
Lilibot ang pelikula sa iba’t ibang paaralan sa buong Pilipinas.