MATABIL
ni John Fontanilla
TINIYAK ni Jolina Magdangal na matutuloy na reunion movie nila ni Marvin Agustin.
Nakipag-meeting na nga si Jolina sa team ng Project 8 at ng mga direktor na sina Antoinette Jadaone at Dan Villegas na inaayos na ang script.
Magsisilbing comeback project ito nina Jolens at Marvin na matagal nang hinihintay ng kanilang loyal fans.
Tsika ni Jolens sa isang interview, “Sana ito na. Ang hirap din magbitaw ng kung anuman.
” Ang nangyayari ngayon kasi kahit kami kinakapa rin namin.”
Dagdag pa nito “Sa amin ni Marvin, dream project namin ito.
“‘Yung dream project mo, pababayaan mo ba? Tinitingnan maige, sinusuri ng isa’t isa.
“Always ako praying na ito na iyon. Kung ibigay, I guess ito na talaga.
“Hoping kami talaga, nag-uusap kami lagi ni Marvin, sana ito na talaga,” ani Jolina.