MATABIL
ni John Fontanilla
MARAMI na ang nag-aabang ng pagla-live selling ng actor and businessman na si Nicco Locco para sa kanyang negosyong underwear dahil naka-brief daw itong magla- live.
Kaya naman pihadong mag-eenjoy at mabubusog ang mga mata ng mga manonood sa live selling ni Nicco, dahil maganda at quality ang kanyang “Locco Locco underwear.
Tsika ni Nicco, high-end ang mga material ng kanyang briefs pero very affordable.
Nagkaroon ng idea si Nicco na magnegosyo ng underwear dahil marami ang natatanggap nitong offers mula sa fans na nagnanais na bilhin ang kanyang used briefs.
Dagdag pa nito na everytime na nagpo-post siya ng naka-brief ay napakataas ng engagement at humahamig ng mataas na likes.