MATABIL
ni John Fontanilla
NAPAHANGA ang Korean actor na si Kim Ji Soo sa husay magsalita ng Korean ng child star na si Ryrie Turingan na kasama niya sa pelikulang Mujagae (Rainbow) na isang family drama hatid ng UXS Inc. (Unitel /StraightShooters) at idinirehe ni Randolph Longjas.
Ayon kay Kim Ji Soon napaka-genius ni Ryrie na sa edad anim at pure Filipino, walang dugong Korean ay mabilis napag-aralan ang pagsasalita ng Korean at pati accent nito ay tunog Korean.
Bukod sa napakahusay nitong umarte, napaka-bibo pa ni Ryrie kahit first movie niya na gumaganap na Mujigae.
Ang Mujigae ay istorya ng isang Orphan (Mujigae) na ginagampanan ni Ryrie, isang half Filipino, half Korean na simula nang mamatay ang inang Pinoy sa South Korea ay inalagaan na ng kanyang tita sa Pilipinas, si Sunny (Alexa Ilacad) at dito na nabago ang takbo ng buhay ni Mujigae nang manirahan sa Pilipinas.
Sinabi naman ng Korean star na si Kim Ji Soo, “This movie can touch hearts. It has a unique script that’s why I accepted it.”
At base na rin sa napanood naming trailer, maganda ang pelikula at tiyak maraming luluha sa mga makabagbag damdaming eksena na mapapanood lalo’t tungkol sa pamilya ang sentro ng pelikula.
Dagdag pa ang husay ng halos lahat ng artistang kasama sa movie tulad nina Richard Quan, Donna Cariaga, Kate Alejandrino, Cai Cortez, Anna Luna, Lui Manansala, Peewee O’Hara, Rolando Inocencio, Scarlet Alaba. With the special participation of Ms. Rufa Mae Quinto.
Produced by Madonna Tarrayo, cinematography by Theo Lozada, assistant director Daphne Esplana, production design by Ericson Navarro, casting by Roly Halagao, Screenplay by Mark Raywin Tomeand Randolph Longjas, line producer Noemi Peji, associate producer Grace Quisias, executive producers Tony Gloria and Madonna Tarrayo, directed by Randolph Longjas.
Mapapanood ang Mujigae sa October 9, 2024 (Wed) in cinemas nationwide.