Thursday , April 17 2025
Rhian Ramos Sam Verzosa

SV hindi gagamitin si Rhian sa politika

MATABIL
ni John Fontanilla

AYAW patulan ng TV host (Dear SV) at Tutok To Win Partylist Representative Sam SV Verzosa ang pang-iintriga sa kanila ni dating Manila mayor Isko Moreno ng mga netizen. Ang huli raw kasi ang pinaka-mahigpit na makakalaban ni SV sa darating na eleksiyon.

Ayon kay Cong. SV, imbes pagtuunan ng pansin ang issue tungkol sa kung sino ang mahigpit niyang kalaban, mas gusto niyang tumutok sa pagtulong sa kanyang mga kababayan sa kalakhang Maynila.

Pareho naman daw sila ni Isko ng adhikain, ang makatulong at maiahon ang mga taga-Maynila sa kahirapan.

Kuwento ni Cong. SV sa kanyang Driven To Heal charity event kamakailan na nagbenta ng kanyang 10 super cars na umabot ng lagpas P200-M ang halaga na ilalaan sa pagpapatayo ng  Dialysis  and Diagnostic Center sa Sampaloc, Manila, “Ilang beses na rin kaming magkasabay sa awards night. Minsan sabay kaming napararangalan noong naging mayor siya. Nagkasabay din kami noong may mga itinayo akong eskuwelahan para sa mga kabataan noong pandemic, pumunta siya. May picture kami na magkasama kami ni Isko.

Masaya ako na nakilala ko siya. Ako naman ay panibagong pagtulong ito. Ang tawag dito ay malawakang pagtulong. Wala tayong ibang gagawin kundi puro kabutihan.”

Sinabi rin ni SV na never niyang gagamitin ang relasyon nila ng girlfriend niyang si Rhian Ramos para makakuha ng boto mula sa mga Manileño.

Dagdag pa nito, “Naging congressman ako tapos ngayon, nakakapagsilbi pa ako sa buong Pilipinas. Nagpunta na ako sa iba’t ibang bansa, nagbukas ng iba’t ibang negosyo.

More than 20 years na po tayong nasa negosyo. Sabi ko nga, nakapunta na ako sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

“Nagkaroon ng mga ganitong klaseng international companies so, wala na akong mahihiling pa. I am just grateful. Hindi ko naman pinapapunta sa ulo ko. Ang nasa utak ko lang, kailangan i-share ko ito sa mas marami.

To whom is much given much is expected so talagang ibinibigay ko ‘yan. Una, sa pamilya ko, sa mga kamag-anak, sa mga humihingi ng tulong, sa mga kapitbahay, hanggang sa mga kasama sa kompanya.

“Hanggang mapunta sa iba’t ibang mga nangangailangan sa ospital, simbahan, lahat ng charities halos sa Pilipinas, naging partner na namin. Hanggang sa charities sa animals.

Dito ko naisip na, it’s not just about charity and giving but inspiring and teaching. That’s the formula I know to succeed, which is as simple as paying it forward.

“Maging mabait ka sa kapwa mo, tumulong ka kapag kaya mo, at magugulat ka na lang sa huli, bumabalik sa iyo ‘yun ng ten folds,” paliwanag pa ni SV.

Nagpapasalamat din si Cong. SV sa kanyang business partner sa Frontrow na si Raymond RS Francisco na siyang naghikayat na tumulong sa ating mga kababayang kapos sa buhay na siya ngayong naging adbokasiya niya.

Bukod nga sa itatayong Dialysis at Diagnostic Center sa Sampaloc ay pangarap din nitong malagyan ang iba pang magaganda at kapaki-pakinabang na  proyekto ang buong Maynila kung papalarin siyang manalo bilang alkalde.

About John Fontanilla

Check Also

Camille Prats

Camille Prats buking ang pagkamaldita

RATED Rni Rommel Gonzales PAINIT nang painit ang hapon ng mga Kapuso dahil sa big …

Kazel Kinouchi

Kazel Kinouchi hindi makawala sa kontrabida role

RATED Rni Rommel Gonzales PAGKATAPOS ng highly successful na Abot Kamay Na Pangarap ay may bago na …

Chryzquin Yu

Chryzquin Yu rising star ng Blvck Entertainment

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGGULAT sa kanyang performance ang pambato ng Blvck Entertainment Production Inc., si Chryzquin …

Pilita Corrales Jackie Lou Blanco Ramon Christopher

Pilita walang malubhang sakit: She died in her sleep

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “SHE died in her sleep, hindi siya nahirapan.” Ito ang tinuran ni Jackie …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …