Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sam Verzosa SV dialysis center Sampaloc

Cong. SV Verzosa nagbenta ng mamahaling sasakyan, magpapatayo ng Dialysis at Diagnostic Center

MATABIL
ni John Fontanilla

TAONG 2021 pa pala ay sinabi na ni Congressman Sam SV Verzosa na ibibenta niya ang mga expensive car for a good cause.

At  bilang pagtupad sa pangako, ngayong 2024 ay tuluyan nang ibinenta ni Cong. SV ang kanyang mga mamahaling sasakyan kasama ang mga pinaka-paborito at ang sasakyang ini-request ng kanyang yumaong tatay, para ipagpagawa ng dialysis at diagnostic center sa Sampaloc, Manila.

Umabot ng P200-M ang halaga na nakuha sa pagbebenta ng mga expensive car ni  Cong. SV na  ipagpapagawa ng diagnostic Center sa Sampaloc, ang lugar na kanyang kinalakihan.

Ayon kay Cong. SV, “‘Yung mari-raise natin more than P200-M na puwede makapagpatayo ng Diagnostic and Dialysis Centers. Actually, mayroon na tayong mga mobile clinic, ‘yung mga mobile clinic na ito mayroong  x ray machines, ultrasound, ecg na umiikot na ito sa iba’t ibang lugar sa Maynila, para magbigay ng serbisyo.

“So hindi naman ito ‘yung una. Ginawa na po namin na pandagdag lang ito, kasi nga laging hinihiling sa atin ibinubulong ng mga kababayan natin pampa-ospital, pampa-check up, pambili ng gamot. 

“Mayroon din kaming mobile botika na araw-araw umiikot na nagbibigay ng libreng gamot, maintenance medicine para sa lahat ng mga kababayan natin.

“So nagdaragdag lang, siyempre po kailangan natin ng pondo kasi ‘yung mga ginagamit ko galing sa sariling bulsa, ipinambili ko ng SV mobile clinic, ipinambili natin ng mga mobile botika. So, lahat po ‘yan eh itinutulong lang natin at daragdagan at daragdagan lang natin para sa ating mga kababayan.”

Ang mga doctor nga na tumutulong kay Cong. SV ay pro bono habang ang iba naman ay maliit lang ang bayad na hinihingi sa kanya.

Ayon ‘yung mga doctor may volunteers, may binabayaran siyempre may mga pamilya rin ‘yan. Hndi naman puwedeng pro bono o libre ‘yan. So kaunti lang hindi naman sila naniningil ng malaki.”

At kung papalarin nga si Cong. SV na mahalal na Mayor ng Manila ay palalagyan niya ng dialysis at diagnostic centers ang buong kalakhang Maynila.

Itataas din nito ang allowance na makukuha ng mga Senior Citizen sa Maynila mula P500 to P2,000 at marami pa itong magagandang proyektong makikinabang ang lahat ng mga kababayan sa Manila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …