Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
LA Santos Kira Baringer

LA at Kira mahusay sa Maple Leaf Dreams

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYANG-MASAYA ang lead actors ng pelikulang Maple Leaf Dreams na sina LA Santos at Kira Baringer sa magandang feedback ng mga taong nanood ng kanilang pelikula na ang premiere night ay ginanap sa Gateway 2 Cineplex last September 20.

Ang Maple Leaf Dreams ay mula sa mahusay na direksiyon ni Benedict Mique, at sa panulat ni Hannah Cruz.

Maganda ang pagkakagawa ng pelikula ni Direk Benedict, mahusay sina LA at Kira na gumanap sa role nina Macky at Molly, ang magkasintahang pumunta ng Canada para sa pinapangarap na magandang buhay, pero hirap lang ang pinagdaanan sa nasabing bansa.

Kakaibang Kira ang mapapanood dito na mas humusay at lumalim ang pag-arte, samatalang ‘di naman matatawaran ang husay dito ng ilang ulit ng nanalong Best Supporting Actor na si LA na talaga namang madadala ka sa kanyang mga eksena.

Kasama nina Kira at LA sa nasabing pelikula sina Ricky Davao, Hannah Vito, Kanishia Santos, Bea Rose Santiago, Joey Marquez, Snooky Serna, Jef Gaitan, Benito Mique, Malou Crisologo, at Jong Cuenco.

Dumalo at sumuporta sa pelikula nina LA at Kira sina Jameson Blake, Bailey May, Seth Fedelin, Anji Salvacion, Jana Agoncillo, Krystal Mejes, Miguel Vergara, Krystal Brimner.  Gillian Vicencio, Direk Easy Ferrer, Kim Molina, at Jerald Napoles.

Ang Maple Leaf Dreams ay hatid ng 7K Entertainment, Lonewolf Films, at ABS-CBN’s Star Magic at mapapanood sa mga sinehan nationwide simula  September 25 at sa Canada simula September 27.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …