Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez Arjo Atayde

Cong. Arjo pinabulaanang ‘di na tatakbo sa susunod na eleksiyon

MATABIL
ni John Fontanilla

PINABULAANAN ni  Quezon City District 1 Congressman at awardwinning actor na si Arjo Atayde sa kanyang thanksgiving at Christmas Party with the press kamakailan  na hindi na siya tatakbo sa darating na eleksiyon. Bagkus ang butihing ina at napakahusay na aktres na si Sylvia Sanchez daw ang  tatakbo sa 2025 election at magco-concentrate muna siya sa pag arte.

Ayon kay Arjo, “It’s not true that my mom is running for the Congress sa (2025).”

Siya pa rin ang tatakbo sa parehong posisyon sa next election dahil marami pa siyang gustong gawin sa Distrito 1 ng Quezon City.

At kahit nga baguhan ito sa politika ay mistulang batikan na pagdating sa pagseserbisyo sa dami ng proyekto at sa dami ng mga taong natutulungan.

Masaya si Arjo na pareho niyang nagagampanan ang mga tungkulin at obligasyon bilang kongresista at artista. Kamakailan ay itinanghal itong  Best Lead Actor sa ContentAsia Awards 2024 na ginanap sa Taiwan para sa mahusay niyang pagganap sa crime-thriller series na Cattleya Killer. Nagtumgo ito roon bansa 

 tanggapin ang another international award.

Marami naman din pong sumabak and luckily, we were given the opportunity to represent in the Best Actor category.

“I guess none of us was expecting anything. To be nominated is already such a privilege.

“The recognition itself would be a bonus, like we always say. It’s not being humble but it’s really trying to push Filipino content, trying to push Filipino connections.”

Nauna nang kinilala ang husay sa pag-arte ni Cong. Arjo sa international scene matapos magwaging Best Actor in a Leading Role sa 2020 Asian Academy Creative Awards para naman sa Bagman.

At kahit nga sunod-sunod ang award na natatanggap nito hindi pa rin sanay at may kaba pa ring nararamdaman si Cong. Arjo.

Hindi naman po sa sanay (na makatanggap ng award). I don’t think anyone will get used to this. Again, I don’t work for awards. I never did. Still the same things, still the same guy. 

“I just really enjoying what I do. I’m learning especially with the last projects na ginawa ko po.

Being with ABS-CBN International, they’ve always targeted going international, and not for selfish reasons, but always to give, maybe, a door of opportunity to open to us, Filipinos to be back on top again.”

Ilan pa sa aabangang proyekto ni Cong. Arjo ang The Bagman series kasama sina John Arcilla at Judy Ann Santos, ang pelikulang Moonglow mula sa direksiyon ni Isabel Sandoval at Topak with Julia Montes.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …