Friday , November 22 2024
A Journey to Greatness, The Marcos Mamay Story 

Mayor Mamay maraming hirap ang pinag daanan bago nagtagumpay

MATABIL
ni John Fontanilla

MATAGUMPAY ang red carpet premiere night ng pelikulang pinagbibidahan nina Jeric Raval, Ara Mina, Teejay Marquez, at Devon Seron, ang A Journey to Greatness, The Marcos Mamay Story na ginanap sa SM Megamall Cinema 1, hatid ng Mamay Production at idinirehe ni Neil Buboy Tan.

Ang pelikula ay istorya ng buhay  ng masipag at napaka-generous na mayor ng Nunungan, Lanao del Norte na si Mayor Marcos Mamay.
Bukod sa star studded ang pelikula, maraming aral ang kapupulutan dito. 

Sa matagumpay na pagpapalabas nito tiyak na marami sa nakapanood ang na-inspire sa kanyang pinagdaanan. Ipinakita rin dito kung paano siya nagtagumpay.

Sobrang saya ni Mayor Mamay dahil gusto niyang maging inspirasyon ng mga taong mula sa hirap na puwedeng makamit ang tagumpay basta focus lang, samahan ng dasal, determinasyon at sipag sa trabaho. Walang imposible dahil balang araw ay makakamit din ang inaasam na tagumpay.

Dagdag pa ni Mayor Mamay na halos karamihan ng eksena sa kanilang pelikula ay kapupulutan ng aral at magsisilbing inspirasyon sa lahat ng makakapanood.

Actually  mula sa umpisa ng pelikula hanggang sa katapusan maiiyak kayo.

“Bukod pa sa napakaraming aral na makukuha sa movie, mag-iiwan din ito ng inspirasyon sa lahat na hindi hadlang ang kahirapan para magtagumpay, basta mag-aral ng mabuti, samahan ng sipag, tiyaga, panalangin, at dedikasyon sa ginagawa.”


Kasama rin sa Mamay A Journey to Greatness….The Marcos Mamay  Story sina Ron Angeles, Isadora, Mohammed Hassan Ali Marohomsalic, Ali Forbes, Victor Neri, Julio Diaz, Sabrina M and Shiela Delgado.

About John Fontanilla

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …