Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Korina Sanchez Pinky Webb

Korina at Pinky balik-pagbabalita sa Bilyonaryo News Channel

DEBUT ngayong araw ng Bilyonaryo News Channel at kasabay nito ang pagbabalik-pagbabalita ng mga  kinilala at tinitingala sa paghahatid ng balita, sila ang tinaguriang Agenda Setters na sina Korina Sanchez at Pinky Webb. Mapapanood  ang dalawa sa primetime newscast na AGENDA.

Naunang inihayag ang makasaysayang pagbabalik sa news anchoring ng award-winning journalist na si Korina, na ang huling naging newscast ay halos may isang dekada na. Taglay ang mukha at pangalan na kasing kahulugan na ng Philippine media sa loob ng nagdaang limang dekadang pagiging anchor ng mga pangunahing news programs at lifestyle shows, si Korina ay isa na sa mga haligi ng broadcast journalism sa bansa. Ang  Agenda ay patuloy na sasandig sa kanyang  diretsong estilo ng pagtatanong sa mga stakeholders tungkol sa iba-ibang isyu na nakaaapekto sa bansa bilang pangunahing agenda ng programa.

Si Pinky naman ay may tatlong dekadang karanasan sa industriya ng pagiging anchor sa iba’t ibang programa para sa major news channel. Ang kanyang banayad na estilong panlabas ay bumabalanse sa masidhi at walang humpay na pamamahayag. Si Pinky ay kilalang mapagkakatiwalaan at may kalmadong pagbabalita na hahatak sa mga manonood para dalhin ang kanilang atensyon sa mga pangunahing isyu at balita.

Bahagi rin ng Agenda si Jam Alindogan, isang internationally-acclaimed correspondent at co-founder ng aid organization na Sinagtala. Si Jam ang magiging Foreign Affairs Editor ng channel na responsable sa lingguhang special report ukol sa mga mahahalagang isyu sa iba’t ibang panig ng mundo. 

Isa pang beterano na makakasama sa pagbabalita ang walang takot na mamamahayag na si  Nancy Carvajal. Si Nancy  ay makakasama dalawang beses sa isang linggo para sa mga special reports.

Ang Agenda ay araw-araw matutunghayan sa primetime newscast mula 6:00 p.m. hanggang 7:00 p.m. Ang headline grabbing program na ito ang magiging pangunahing plataporma ng Bilyonaryo News Channel laban sa propaganda ng mga taong nasa kapangyarihan at panlaban sa mga nagkakalat ng fake news. Ang Agenda ang tatalakay sa mga pinakamalalaking isyu kada araw na may malaking epekto sa bansa at sa buhay ng sambayanan. Tatalakayin dito ang bawat anggulo at aspeto sa pamamagitan ng in-depth reporting, no-nonsense, hard-hitting interviews sa mga  principal at major stakeholders. 

Ang Bilyonaryo News Channel ay available sa free-to-watch television channel na BEAM TV 31 (sa pamamagitan ng mga digital TV boxes sa Metro Manila, Cebu, Davao, Iloilo, Baguio, Zamboanga, at Naga), gayundin sa pangunahing cable TV provider na Cignal Channel 24.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …