Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
GMA 7

GMA iginiit talent at following ang sinusunod sa pagka-casting

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGBIGAY ng statement si GMA Vice President Annette Gozon Valdez, na ang pagka-casting nila ng mga artista sa GMA ay nakabase sa talent at sa following ng mga artista. Gaano ka man kasikat kung wala ka namang talent, at ganoon ka man ka-talented kung hindi ka sinusuportahan ng publiko, wala ka.

Kapansin-pansin na mabilis namang nag-commemt na ganoon talaga ang kalakaran gaya ng kay Wilma Galvante na dating executive rin ng GMA 7. Noong panahon ni Wilma ay nagkaoron ng controversy matapos na sabihin ni Annabelle Rama na ang dating executive ay nanghihingi raw ng mga mamahaling regalo, karaniwan ay mga branded bags kung gusto mong ma-cast sa shows. Iyon ay itinanggi naman ni Wilma. Nabalita rin noon ang pagbibigay ng “little somethings” sa ilang TC ng network. Pero iyan ay pinabulaanan nga lang.

Gayunman may umuugong pa ring favoritism kung minsan sa kanilang network. Hindi ba sinasabing kinausap nila si Jak Roberto para lumayo muna sa girlfriend na si Barbie Forteza dahil sikat na ang love team niyon sa boyfriend at gusto nilang i-love team si Barbie kay David Licauco?

Sana nga totoo na talent at following ang kanilang batayan sa casting dahil kung hindi kawawa naman ang mga lumalabas na hindi paborito ng mga powers that be.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …