Friday , September 19 2025
Zsa Zsa Padilla

Zsa Zsa nakahanap solusyon sa sakit sa kidney

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGULAT kami sa picture ni Zsa Zsa Padilla na nasa isang ospital. Iyon pala ay ang matagal na niyang problema sa kidney. Noon ay sumailalim na siya sa operasyon para roon pero hindi pa rin nailagay sa ayos ang problema. Kaya pala siya nasa US at nakasama pa sa concert ni Sharon Cuneta ay talagang naroroon siya para magpagamot pero mukhang wala roon ang hinahanap niyang solusyon. 

May nagsabi raw sa kanya na ang mas mahuhusay ang doktor na maaaring tumingin sa kanya ay nasa Singapore, kaya roon naman siya nagpunta.

Nakakuha na yata siya ng isang espesyalistang titingin sa kanya at nagsagawa na iyon ng iba’t ibang test na kailangan para malaman kung ano ang maipapayo sa kanya. Mukha naman daw maganda ang kinalabasan, ibig sabihin may nakikita silang isang definite cure para kay Zsa Zsa.

Sana nga ay makatagpo na siya ng kagalingan sa sakit na dinadala na niya simula noong bata pa siya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Victorino Mapa High School Alumni Association Inc VMHSAAI Blue Falcon Award

Nominasyon sa Blue Falcon Award 2026 bukas na

MATABILni John Fontanilla TUMATANGGAP na ang Victorino Mapa High School Alumni Association, Inc. (VMHSAAI) sa pamumuno ni …

Joel Cruz Business 101 What Worked for Me

Book Launch ni Joel Cruz matagumpay 

MATABILni John Fontanilla TAOS-PUSONG nagpasalamat si Joel Cruz sa matagumpay na launching ng kanyang libro, ang Business 101: …

Frenchie Dy Here To Stay concert

Frenchie Dy handang-handa na sa 20th Anniversary Concert

MATABILni John Fontanilla KAABANG-ABANG ang 20th anniversary concert ni Frenchie Dy, ang Here To Stay, Frenchie Dy 20th Anniversary …

Will Ashley Alden Richards

Will pumasok ng showbiz dahil kay Alden

MATABILni John Fontanilla NAGPAKATOTOO si Will Ashley sa pagsasabing pinasok niya ang showbiz dahil kay Alden Richards. Bata …

Phillip Salvador Jaguar

Jaguar classic movie ni Ipe mapapanood muli

RATED Rni Rommel Gonzales MULING mapapanood sa Pilipinas ang klasikong pelikula ni Phillip Salvador, ang Jaguar na obra …