Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aga Muhlach

Aga Muhlach tatagal pa ang career

HATAWAN
ni Ed de Leon

NOONG Lunes, Agosto 12 ay birthday ng aktor na si Aga Muhlach. Siya ay 55 years old na ngayon. Naalala namin ang first encounter kay Aga ay nang bigyan siya ng isang birthday presentation sa Sunday show ni Kuya Germs, 15 years old pa lamang ang aktor noon. Ibig sabihin apat na dekada na pala kaming magkakilala, apat na dekada na rin siya bilang isang actor kung ituturing ngang unang pelikula niya ang Bagets.

Pero nauna riyan ay nakalabas na siya sa pelikula, kasama siya sa pelikulang Agila ni FPJ na ginawa ni Eddie Romero bilang batang tagapagsalaysay ng kuwento ng bida. Lumabas na rin siya sa comedy film na May lalaki sa Ilalim ng Kama ko kasama si Amalia Fuentes na tiyahin niya. Pero naging bida siya talaga at naging isang malaking star sa Bagets. In fact, nang mawala si Aga, lumamig na nga rin ang kasunod na pelikula ng mga Bagets

Kung iisipin mo sa original na grupo ng mga Bagets, si Aga na lang naman ang natitirang matibay pa rin ang takbo ng career. Si William Martinez ay bihira nang lumabas. Si JC Bonnin ay naging pari na ng isang sektang protestante sa abroad. Si Herbert Bautista ay tahimik na matapos na matalong senador. Sina Francis Magalona at Jonjon Hernandez ay yumao na. Si Ramon Christopher ay gumagawa pa rin ng mga supporting roles hanggang ngayon.

At sa tingin namin kay Aga, tatagal pa ang career niyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …