Saturday , December 21 2024
Carlos Yulo

Panalo ni Caloy ‘wag bahiran ng masasakit na salita

HINDI namin maiwasang banggitin si Caloy Yulo, ang kauna-unahang atletang nagkapag-uwi ng dalawang gold medals mula sa Olympics. Hindi lamang siya nanalo nakapagtala rin siya sa kasaysayan ng Philippine Sports.

Nakikiisa rin kami sa paniniwala ni direk Joey Reyes na ang panalo at karangalang hatid ni Caloy sa Pilipinas ay hindi na dapat bahiran pa ng kung ano-anong hindi magagandang salita na nagmula mismo sa nanay niya. Na kesyo hindi lubos ang kanyang kaligayahan manalo man ang kanyang anak dahil iyon ay maramot. 

Nagsimula kasi iyan sa pagkuwestiyon ni Caloy sa nangyayari sa pera niya na buwis buhay naman niyang pinaghirapan. Hindi nagustuhan iyon ng kanyang ina, kaya nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan. 

Ang ama naman ni Caloy nakikiusap sa kanyang magpakumbaba na at kausapin ang kanyang ina, pero siguro hindi pa lumilipas ang sama ng loob ni Caloy kaya hindi pa niya iyon ginagawa.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …