Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blind Item, Mystery Man, male star

Opisyal ng gobyerno missing in action matapos manalasa ni Carina

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKITA namin ang ilang kaibigan sa isang coffee shop at ang pinag-uusapan ay ang malawakang baha dahil sa bagyong Carina. Palibhasa’y mula kami sa iisang lugar, alam nila nang mag-evacuate kami sa isang malapit na hotel noong mawala ang koryente pati na tubig sa aming tinitirahan. Kasi nga walang koryente, walang pump at hindi umaakyat ang tubig. Tapos iyong mga nalubog sa baha ay naglabas na ng sama ng loob. Iyong isang opisyal ng gobyerno na kanilang tinangkilik noong nakaraang eleksiyon dahil noon naman linggo-linggo ay pabalik-balik iyon sa kanila para magbigay ng ayuda nang manalo at ngayon nagkaroon ng kalamidad at saka iyon missing in action.

Sabi nga nila, “hindi talaga dahil artista ay magiging maganda ang paglilingkod sa bayan. Hindi lahat ay gaya ni Vilma Santos. Mayroon ding sa halip na tumulong ay nagsasamantala pa sa kanilang mga kababayan. 

“Hindi na mananalo iyan,” sabi pa nila.

Kaya sabi nga namin baka kung muling mag-ikot iyan at mamigay ng P500 at limang kilong bigas linggo-linggo sa mga registered voter, at magbigay na muli ng sasakyan sa mga barangay iboto na naman nila.

“Hindi na,” sabi nila. 

Hindi na rin daw nila iboboto ang mga artistang lumalabas na mas kampi pa sa China kaysa Pilipinas. Ganoon din naman iyong kagaya ng iba na ang nangyayari ay kumakampi pa sa mga suspect ng krimen, lalo na iyong kumakampi pa kay Apollo Quiboloy

“Hindi na rin namin iboboto iyan,” sabi pa nila. Pero ewan kuwentuhan pa lang naman iyan eh baka kung nagkaka-abutan na naman magbago na ulit ang isip nila, na ang ikakatuwiran, iyon namang hindi nagbibigay magnanakaw din eh, “Mabuti na itong nagbibigay.”

Kung ganyan naman ang pangangatuwirang paiiralin ninyo hindi na talagang titino ang bansang PIlipinas.

Dapat matuto na tayo, huwag na tayong pabubudol sa mga politikong pulpol. Magsisisi lang kayo at ibinoto ninyo ang mga iyan pagkatapos.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …