Friday , November 22 2024
Vilma Santos

Ate Vi sa DFA naman magbabahagi ng kalagayan ng pelikulang Filipino

HATAWAN
ni Ed de Leon

NGAYONG araw na ito ay guest sa Department of Foreign Affairs si Vilma Santos dahil  magsasalita siya tungkol sa pelikulang Filipino, ang kalagayan ng industriya ng pelikula at ang kultura ng ating bansa. Aba bihira ang mga artistang nakukukumbida para magbigay ng ganyang talks, after all sino lang ba naman sa mga artista natin ang may kakayahan sa public speaking.

Si Ate Vi nasanay na sa ganyan simula noong siya ay maging isang public official ng 22 taon. Eh iyong ibang mga artista, mapapansin mo sa mga interview nga lang eh nabubulol na. Eh si Ate Vi oras na magsimulang magsalita iyan tuloy-tuloy na. In the first place napag-aralan na niyang lahat iyan at ang ibabahagi niya sa kanyang audience ay isang dati nang kaalaman para sa kanya.

Maganda rin naman iyang mga nasa DFA ay marinig kung ano ang development at kalagayan ng industriya sa ngayon. Noong araw, napakalaki ng tulong ng DFA sa pelikulang Filipino, dahil kung may pelikula tayong ipinadadala sa mga festival sa abroad natutulungan sila ng mga commercial attaché ng embahada natin sa abroad para makahanap ng magiging interesadong bumili ng ating mga pelikula. Lately iba na nga eh, nagpupunta sa mga festivals sa abroad iyong mga director na mahihilig dala ang kanilang pelikula. Ipalalabas nila sa festival at magbabaka-sakaling manalo ng kahit na minor award. Hindi naman sila makakuha ng exhibitor o kahit na cable company man lang na magiging interesado sa ating mga pelikula.

Kung gaya niyong dati na ang mga commercial attaché ay minamandohan ng DFA na tumulong sa ating mga pelikula, mas maganda ang chances natin ngayon lalo’t marami na ang nakakakilala sa ating mga sikat na artista dahil sa mga cable channels na napapanood sila.

Kaya palagay namin kung mabubuksang muli ang mga bagay na iyan malaking tulong sa industriya ng pelikulang local, at tiyak na mababanggit din naman iyan ni Ate Vi.

Ang isa pa maaaring ipamanhik din ni Ate Vi na baka ang mga commercial attache natin sa abroad ay makatulong na maghanap ng mga investor para sa film restoration natin dahil napakarami nating magagandang pelikula na dapat mai-restore talaga para mapanood pa ng susunod na henerasyon. Sigurado magiging mabunga ang pagbisita ni Ate Vi sa DFA.

About Ed de Leon

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …