Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Michelle Gumabao

Michelle gustong tutukan akting, hosting 

I-FLEX
ni Jun Nardo

IPAGPAPATULOY ng volleyball player na si Michelle Gumabao ang naudlot niyang showbiz career nang makilala siya sa isang edition ng Pinoy Big Brother.

Eh dahil nakikila bilang mahusay sa volleyball at volleyball analyst, hindi pa naman agad nito iiwan ang sports na minahal niya.

Pati nga beauty pageants eh pinasok na rin niya pero deklara niya sa mini interview , “hindi na ako kakandidata!”

Ang hosting ang gusto ulit pasukin ni Michelle. Ready rin siya umakting at sina Piolo PascualJohn Lloyd Cruz, at Marian Rivera ang pangarap niyang makasama.

Hindi ba ito conflict sa volleyball lalo na’t sa July 16 eh simula na ng bagong season ng Philippine Volleyball League?

Kailangan ko ng time management. Usually, umaga naman ang training namin. By lunch, puwede na akong mag-host,” sey ni Michelle.

Naging co-host ni Willie Revillame sa dati nitong show. Hindi ba siya kinuha sa bagong show ni Wllie?

Wala naman akong natatatanggap na offer. May bago na rin siyang kinuha. Well, maybe kung sakaling kunin niya uli ako,” reason ni Michelle.

Michelle is under the managemenr of Joel Roslin na manager din nina Jose Manalo at Wally Bayola.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …