Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angeline Quinto

Angeline na-stress sa sakit na Gestational  Diabetes

MATABIL
ni John Fontanilla

IWAS muna sa pagkain ng matatamis at kanin ang Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto dahil sa sakit nitong  gestational diabetes.

Inamin ni Angeline sa kanyang vlog ang sakit at ‘di nga nito maiwasang ma-stress at mag-alala na baka may epekto sa kanyang pagbubuntis.

Siguro sa lifestyle, lalo na sa pagkain ko,” aniya. “Aminado naman ako na parang medyo wala akong control ngayon [sa pagkain], lalo na ang dami ko ring ginagawang work out-of-town tapos dito sa Manila.”

Dagdag pa nito, “Nakalulungkot lang kasi sabi niya na pwedeng makaapekto kay baby, so dapat kailangan ko nang magbago ng lifestyle. Kailangan ko nang magbago kasi jusko ang lakas ko kasi sa kanin.”  

“Basta disiplina lang at siyempre para kay baby talaga. Na-stress ako,” dugtong niya. 

Nagpakabit din ang singer ng Continuous Glucose Monitors (CGM) “para namo-monitor natin lagi at agad-agad ‘yung sugar natin kung mataas o mababa or kung name-maintain ang tamang sugar na kailangan,” ani Angeline.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …