Sunday , December 22 2024

Award winning indie film-Alagwa ni Jericho, mapanonood na sa mainstream cinemas

NAKATUTUWA naman na finally ay mapapanood na ng maraming Pinoy ang napakagandang pelikula ni Jericho Rosales, ang Alagwa (Breakaway), isang award-winning indie film ng actor.

Bale ire-release ang Alagwa ng Star Cinema bilang bahagi pa rin ng kanilang ika-20 taong anibersaryo.

Actually, last year pa natapos ni Echo ang Alagwa at nag-rounds na ito sa mga iba’t ibang international film festivals sa buong mundo. Nanalo na rin ito ng maraming awards, at ang pinakamalaki rito ay ang 2013 Newport Beach Film Festival na nanalo si Echo bilang Outstanding Achievement in Acting, gayundin sa 2013 Gaward Urian bilang Best Actor at 2013 Gaward Tanglaw para sa kanyang superb portrayal sa intense at chilling advocacy ng pelikula ukol sa pagmamahalan ng mag-ama.

Itinanghal ding Best Indie Film ang Alagwa sa katatapos na 2013 PMPC Star Awards for Movies gayundin sa 2013 Third World International Film Festival na ginanap sa Milpitas, California bilang Best Indie Film of the Year. Bale tinalo ng Alagwa ang may 700 pelikula mula sa 30 bansa.

Naging closing feature film din ang Alagwa sa katatapos na Guam International Film Festival na itinanghal si Jericho bilang Outstanding Achievement In Acting (Best Actor) at nakuha ng pelikula ang tropeo para sa Best Narrative Feature Film.

“Naipalabas na ang mga pelikula sa mga film festival sa iba’t ibang bansa kaya napakasaya namin na magkakaroon na kami ng mainstream release rito sa Pilipinas sa pamamagitan ng partnership sa Star Cinema,” saad ni Echo nang makausap namin ito sa presscon ng Alagwa.

Bago dinala ang Alagwa sa Newport Beach Film Festival, unang ipinalabas ito sa Busan International Film Festival sa Korea na pinuri ng The Hollywood Reporter. Inilarawan nito ang Alagwa bilang isang low-budget standout. “This sophomore effort from young Filipino director, Ian Lorenos is not only a powerful film about human trafficking, it is also a small gem portraying a father-son relationship with nothing fake or sentimental about it.”

Pinuri rin ng The Reporter ang magaling na pagkakaganap nina Jericho at Bugoy Carino. “The film owes a great deal to the natural chemistry between singer-actor Rosales and Carino, the child star of the TV series ‘E-Boy’ whose playful, mischievous nature contrasts with Rosales’ nervous hen approach to child-reading. The spontaneity is a welcome change from the us parent-child sentimentality on screen.

Dinala rin ang Alagwa sa Malaysia sa 2013 ASEAN International Film Festival at isinali sa tatlong film festival sa India at Palm Beach International Film Festival. Nagkaroon din ito ng special screening sa Manila, ang 2012 Cinema One Originals Festival at nagkaroon ng dalawang special private screening sa tahanan ni USA Ambassador Harry Thomas.

Bukod kina Jericho at Bugoy, kasama rin sa pelikulang ito sina Leo Martinez, Smokey Manaloto, John Manalo, Jeremiah Rosales, Inaki Ting, Garry Lim, Nanette Inventor, Jamieson Lee, EJ Caro, at sa isang espesyal na pagganap ni Malaysian star Carmen Soo. Ang Awit Awardee na si Gabriel Valenciano naman ang nag-produce at nag-areglo sa musical score ng pelikula.

Palabas na sa mga sinehan simula ngayong araw na ito ang Alagwa na tunay na napakagandang pelikula na dapat mapanood ng mga Pinoy. Isa itong eye opener sa ating lahat na ang human trafficking ay isang seryosong krimen laban sa ating komunidad na dapat ma-eliminate.
Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *