Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Francine Diaz Orange and Lemons

 Francine, Orange and Lemons nagkapaliwanagan nagka-ayos 

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGKAHARAP na noong Biyernes sina Francine DiazClem Castro ng Orange and Lemons kasama ang kani-kanilang managers pati na ang event organizer para pag-usapan ang nangyari na umao’y nagkaroon ng bastusan sa show noong Abril 30 sa San Jose, Occidental Mindoro.

Inako ng organizer ang pagkakamali. Anito sa interbyu ng TV Patrol, Unang-una humihingi po ako ng pasensiya sa mga nangyari dahil miscommunication lang po ang lahat.”

“I explained my side, they explained their side, we found the root cause of the problem, ‘yun ngang misscommunication, and I believe naman sa organizer,” ani Clem.

Nag-apologize nga ako kay sir Clem kahit hindi ko intensiyon na mag-disrespect ganoon po ang nangyari. Clearly it’s a misscommunication and unorganized event but okey naman po kami ni Sir Clem also with my mom and si ate (organizer) and nagka-ayos naman na,” sabi naman ni Francine.

Matapos ang pag-uusap nagka-ayos ang lahat at posibleng magkaroon ng collab sina Francie at ang Orange and Lemons.

Pero bago ito’y hindi napigilan ng ina ng Kapamilya actress na magsalita.

Hindi raw matanggap ng ina ni Francine ang  kuwentong sumingit ang kanyang anak sa performance ng Orange and Lemons, dahil ‘di naman daw iyon totoo.

Ayon sa ina ni Francine na si Tita Merdick Saenz Diaz“Tama po ba yan. Hindi pwede na basta na lang ako manahimik.” 

Hindi raw ito makapapayag na mag-perform ang anak ng madaling araw ng May 1 dahil April 30 ng gabi ang show.

Sinubukan daw nitong kausapin ang babaeng kasama ng Orange and Lemons na kung puwedeng paunahin na si Francine pero hindi sila nagkaunawaan.

“Binastos n’ya kami.Tama po ba ‘yan? Hindi pwede na basta na lang ako manahimik.” 

Sa kumalat na video sa  social media na tinawag ng host si Francine para sana bumati sa mga tao roon na nauwi sa isang kanta. At habang kumakanta ang dalaga ay sinasabayan iyon ng gitarista ng Orange and Lemons sa pagtono ng kanyang gitara.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …