Sunday , December 22 2024
Vilma Santos

Ate Vi karapat-dapat tanghaling National Artist

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI naghahabol si VIlma Santos na matawag siyang National Artist. Katunayan,  sa tuwing sasabihin sa kanya na malakas ang ugong na makakasama siya sa susunod na hanay ng mga national artist, ang sinasabi niya, “kung darating iyan darating, kung hindi naman eh ‘di hindi.”

Lalo na nga ngayong umiikot sa mga unibersidad ang mga klasiko niyang pelikula sa pakikipagtulungan ng CCP, marami ang nagsasabing siguro nga panahon na para bigyan siya ng ganoong pagkilala.

Pero kasabay niyon may isang grupo naman na pilit na sinasabing hindi dapat bigyan ng ganoong parangal si Ate Vi. Ang ipinagtataka namin ay kung ano ang dahilan at parang takot na takot ang mga taong iyon na maging national artist si Ate Vi. Natatakot silang ma-nominate si Ate Vi. 

Paano nga bang hindi, kung mano-nominate siya tiyak namang sure ball na iyon dahil wala naman siyang masamang record. Hindi siya iyong tatanggihan dahil sa nasangkot sa kasong criminal, o pagdadala ng droga.  Isipin nga naman ninyo kung si Ate Vi ay ma-nominate at agad na gawaran ng parangal ng presidente ng Pilipinas, at hindi ma-reject minsan man, ano na ang kalalabasan niyong dalawang ulit na ipinilit at dalawang ulit ding na-reject ng dalawang magkasunod na presidente. Eh ‘di lalabas na talunan na naman sila. Iyon na lang ang pinanghahawakan nila ngayon, iyong national artist title pero ano nga ba ang silbi niyon kung hindi ka naman kinikilala ng bayan? Hindi pinanonood ang iyong mga pelikula, tinatanggihan ka ng sinehan dahil malulugi lang sila. Sa ganyang sitwasyon ano ang silbi ng pagiging national artist?

National artist ka nga pero ang pelikula mo ay rejected din ng festival dahil alam nilang aangal ang mga sinehan dahil hindi kikita?

Hindi mahalaga ang mga title para sa amin, ang mahalaga ay iyong ikaw ay nagugustuhan at sinusuportahan ng bayan. Kahit na ano pang title mo, kung wala namang suporta ang bayan sa iyo, paano mong ipagmamalaki na ikaw ay artista ng bayan?

Pero ayos na rin iyon para sa isang taong may sakit malaking bagay na rin ang ayudang 2,000 sa deklarasyon sa kanya at ang pensyong P50k isang buwan, dahil kung hindi saan naman siya kukuha ng ikabubuhay kung ganyang ni hindi maipalabas sa mga sinehan ang mga pelikula niya? Mabubuhay ba siya sa pagtitinda lamang ng naka-boteng tuyo at tinapa?

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …