Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED R
ni Rommel Gonzales

SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng mister niyang Irish businessman na si David Rainey?

Naka-schedule po siya, naka-line up,” nakangiting wika ni Glaiza, “isa po ‘yan sa mga naka-line up.”

Marami na ang nag-aabang kung kailan sila magkakaroon ng baby.

Hindi ko pa po alam pero we’ll see. Gusto po munang tapusin ‘yung mga commitment, siyempre nag-start na rin kami ng ‘Sang’gre,’” pagtukoy ni Glaiza na gaganap muli bilang Pirena sa inaabangang fantaserye ng GMA, ang Encantadia Chronicles: Sang’gre nina Bianca Umali, Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Faith da Silva bilang mga bagong Sang’gre.     

Pagpapatuloy ni Glaiza, “Although siyempre marami naman may mga bago ng tagapangalaga ng brilyante pero exciting kasi ‘yung story ni Pirena ngayon, excited ako na ituloy-tuloy siya.

“Tapos mayroon pang ‘Running Man’ so parang sa ngayon hindi ko pa siya talaga nasisimulan pero nakaplano na, napapag-usapan na namin.”

Ngayong May 11 ay eere na ang Season 2 ng Running Man Philippines nina Glaiza, Angel, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Buboy Villar, at Mikael Daez at ang bagong runner na si Miguel Tanfelix.

Isa rin si Glaiza sa mga boses ng Wide International na ang sakop ay negosyo ng pelikula, restaurants, beauty products, at marami pang iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …