Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Teejay Marquez
Teejay Marquez

Teejay abala sa negosyong skin care products

HATAWAN
ni Ed de Leon

MATAGAL nang pangarap ni Teejay Marquez na ipaayos ang kanilang bahay sa Quezon City. Actually bahay iyon ng lola niya na siyang nagpalaki sa kanya. Noon naman hindi niya maipagawa ang bahay dahil may sakit nga ng lola niya at ayaw niyang maguluhan iyon. Ngayong wala na ang lola niya itutuloy na niya ang pagpapagawa ng bahay na hindi lamang bahay na matitirahan niya kundi roon din niya rin gustong ilagay ang office ng kanyang negosyong mga skin care product.

Kung naroroon nga naman ang office mas masu-supervise niya ng maayos ang negosyo lalo na ngayon at dumarami na ang orders nila. Very soon balak na rin niyang ipabenta iyon sa mga malalaking malls at department stores dahil marami na nga ang naghahanap ng kanyang mga produkto. Minsan nga sa dami ng kanilang order napipilitan na si Teejay na siya mismo ang mag-deliver ng mga binili sa kanila. Na ikinatutuwa naman siyempre ng kanyang napagdadalhan.

Masipag naman talaga iyang si Teejay. Isipin ninyo, sa ngayon ay may teleserye pa siya bukod pa sa pelikula, mga commercial endorsement at mga out of town shows.

Nagmo-model din siya para sa isang garment manufacturer dito sa atin. Hindi naman talagang nagmamadaling yumaman si Teejay pero sinasamantala niya ang magandang pagkakataon para matupad niya ang mga pngarap bilang artista at bilang skin care manufacturer pa talaga.

Actually maraming mga taga-showbiz na ang nakasubok ng kanyang skin care products at sila man ay nagsasabing mahusay ang mga skin care product ni Teejay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …