Saturday , November 16 2024
Vilma Santos

Ate Vi sa fans — Hindi ako magsasawang bigyan ng priority ang kanilang kasiyahan

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANO nga ba ang halaga ng isang acting award? Bigyan ka man ng lahat ng award sa lahat ng continents kahit na pati sa Antartica na wala namang sinehan at wala namang tao, ano ang saysay niyon kung hindi naman kinikilala ng mga tao?

Ano ang saysay ng nga tropeong lata na kinulayan lamang ng ginto, kung sa kabila ng napakaraming ganoon ay ayaw namang panoorin ng mga tao ang pelikula mo? May mga artistang sinasabing napakarami ng tropeo at nananalo pa hanggang sa Timbuktu, hanggang sa continent sa dulo ng mundo pero flop naman ang mga pelikula at ayaw nang tanggapin ng mga sinehang ayaw malugi.

Noong isang araw, iyan ang napuna namin kay Vilma Santos. Hindi naman niya sinasabing siya ang may pinakamaraming acting awards. Isang kuwarto pa lang naman sa kanyang malaking bahay ang taguan niya ng trophies. Pero kung dumarating siya, sinasalubong siya at pinagkakaguluhan ng mga tao, lahat ay gustong magpapirma ng autograph sa kanya, lahat ay gustong makipag-selfie.

Natawag nga ang aming pansin ng isang babaeng nagpilit na magpa-picture kay Ate Vi dahil gusto raw niyang ipadala sa mama niya na nasa US at isang Vilmanian.

Mayroon pang isang nakiusap na pirmahan  ang dala niyang picture ni Ate Vi na ipadadala sa kanyang lola na nasa Spain na at doon naninirahan.

Isipin ninyo iyon, fans niya from way-way back na hanggang ngayon ang apo ay tagahanga rin ni Ate Vi. Matapos na magpa-pirma, tumutulo ang luha niya sa katuwaan. Kaya nga noong nagkakahilahan na ang aming mga kasama at kami naman ang magpapa-picture kay Ate Vi, sinabi naming huwag na at hayaan na lang iyong mga iba na para sa kanila, talagang pandugtong sa kasaysayan ng kanilang buhay.

Kaya hindi ko matalikuran ang fans na ganyan eh. Kahit na may lakad pa akong kasunod, hindi baleng magkaroon ako ng delay pero hindi ko iiwan ang fans, kasi kung ano ako ngayon iyon ay dahil sa kanila. Kahit na nga iyong politika, magiging governor ba ako, o mayor ng Lipa o unang congressman doon, eh sa Batangas ang hirap manalo ng isang babae laban sa mga lalaking kandidato at ang mga nakalaban ko naman ay mga sikat ding politiko. Mananalo kaya ako kung hindi ako si Vilma Santos? Kaya maski roon nakataya ang aking pangalan at ang tiwala nila ay dapat palitan ng tapat na paglilingkod.

Bilang isang aktres, malakas ang tiwala sa akin ng fans na ang lahat ng gagawin ko at mapapanood nila ay maghahatid sa kanila ng kasiyahan, iyon lang naman ang ginagawa ko. Kumikita ako, kumikita ang mga producer ko at nagpapatuloy sila sa industriya. Kung hindi nagugustuhan ng publiko ang pelikula mo, hindi ka ilalabas ng mga sinehan, malulugi ang producers mo, iyon ang the end ng industriya.

“Ang industriya ng pelikula ay mahal ko. Kaya naman siguro mahal din ako ng industriya. Siguro noong araw ay nagkaroon din ng panahon na naging unprofessional ako dahil nagsasawa na ako sa ganoon at ganoong trabaho araw-araw eh. Pero naisip ko, kung lahat kami ay ganoon na, pano pa mabubuhay ang industriya?

“Naalala ko ang minsang sinabi ni FPJ, kami madali kaming humanap ng isang leading lady pero may iba na kailangan ang malalakas na leading lady na kagaya ninyo, kung hindi wala sila. Magsakripisyo kayo para sa kanila alang-alang sa industriya na bumubuhay sa atin. Noon parang nagbago ang isip ko, oo nga iwasan na ang sumpong-sumpong, kailangan mas pagbutihin pa ang trabaho. Ginawa ko iyong panuntunan sa buhay,” sabi ni Ate Vi.

In fact pagkatapos ng screening ng Anak may iba pang lakad si Ate Vi pro may lakad din si Claudine Barretto at kailangang umalis agad, siya ang nagpa-iwan at humarap sa publiko. Paano mo namang iiwan pati mga pari at madre gustong magpa-picture kay Ate Vi? Hindi niya talaga matalikuran ang publiko. Sabi nga niya, “iyan ang kapalit ng mga tropeo, ng malalakas na palakpakan at ng patuloy nilang pagsuporta sa mga pelikulang ginagawa ko.

Sa lahat ng nangyayari sa akin una ang pasasalamat ko sa Diyos at sa lahat ng mga taong hindi nagsasawang magbigay ng suporta sa akin. Hindi rin ako magsasawang bigyan ng priority ang kanilang kasiyahan.”

Ngayon alam na ninyo kung ano ang kaibahan ng isang Star for All Seasons?

About Ed de Leon

Check Also

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …