Sunday , December 22 2024
Ferdie Estrella Abot Kamay Na Pangarap

Problema ng GMA sa Baliwag tinapos na 

I-FLEX
ni Jun Nardo

NATAPOS na ang sa Baliwag scene na eksena sa top-rating GMA show na Abot Kamay Na Pangarap.

Eh sa isang episode ng GMA afternoon show, nabanggit ang salitang baliwag o baliuag na patungkol sa salitang baliw na tao. Gay linggo ito na madalas gamitin sa chikahan ng mga accla at pati babae.

Sa nasabing eksena, sinabihan ang character ni Pinky Amador na si Moira Tanyag na papunta na sa pagiging baliwag at saka nagtawanan ang kapwa niya preso.

Inalmahan ang eksenang ito ni Baliwag, Bulacan Mayor Ferdie Estrella dahil ipinarating ito ng nasasakupan. 

Ipinaliwanag ng mayor na ang kahulugan ng salitang baliuag na ibig sabihin ay malalim o sa English ay profound.

Agad bumisita kay Mayor Estrella ang GMA executives na sina AVP for Drama Ali Dedicatoria at executive producer ng show na si Joy Pili. Humingi siya ng apology sa nasabing eksena at tinanaggap naman iyon ni Mayor Estrella.

Sinabi pa ni Mayor Ferdie na puwede rin silang mag-taping sa Baliwag para malaman kung gaano ito kaganda at kababait ng mga tao.

About Jun Nardo

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …