MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI issue sa baguhang aktor na si Kiko Ipapo kung mas bata o may edad ang kanyang makakarelasyon.
Tsika nito sa presscon, “Possible po, wala namang edad sa pag ibig.
“Kahit anong edad mo, hitsura o ano mang kasarian mo basta mahal mo ‘yung tao, mamahalin mo talaga ng buong puso.”
Feeling blessed si Kiko dahil napasama sa pelikula at nabigyan ng magandang role dagdag pa na nakakaeksena niya si Beauty Gonzales.
Bukod kasi sa maganda si Beauty ay napakahusay nitong artista. Noong una nga nitong naka-eksena si Beauty ay sobrang nahihiya at kabado siya. Pero sobrang bait daw ng aktres at inalalayan siya sa bawat eksena na magkasama sila.