Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ruru Madrid Bianca Umali Miguel Tanfelix

Ruru sa pagsasama nina Miguel at Bianca — I don’t think kailangan pang ipaalam

AYAW i-reveal ni Ruru Madrid kung ano ang magiging partisipasyon niya sa season 2 ng Running Man Philippines (RMP) na kasalukuyang nagte-taping ngayon sa South Korea.

Ay! Abangan! Abangan!” ang nakangiting pakli ni Ruru sa interview sa kanya.

Samantala, tulad ng alam na ng publiko, dahil ongoing ang Black Rider (na magkasama sina Ruru at Gladys Reyes) ay new cast member ng RMP si Miguel Tanfelix na dating ka-loveteam ni Bianca Umali na kasintahan ngayon ni Ruru.

At paglilinaw ni Ruru sa mga nag-isip na pinalitan siya ni Miguel sa RMP, “Parang ano po, additional.” 

Wala namang problema na magkasama sa RMP sina Ruru at Miguel at hindi naman kailangan ipagpaalam kay Ruru na isasali si Miguel sa show.

“Wala. Wala na pong paalam. I don’t think kailangan pa po ng paalam.

“Kasi, I mean… ang tagal na panahon na, ‘di ba? 

“Parang wala nang isyu,” pahayag ni Ruru.

Sa tanong naman kay Ruru kung ano si Bianca sa buhay niya…

Si Bianca ang buhay ko,” ang masayang bulalas ng aktor.

Si Bianca rin ang babaeng pakakasalan niya.

Siya na, siya na! Wala nang pagdadalawang-isip.

“It’s my final answer!

“Always and forever, ‘yun ang sagot ko.

“I mean siyempre kapag nagmahal, you’re hoping na talagang siya na.

“Hindi naman natin alam kung ano ‘yung mga mangyayari sa future but pipilitin naming piliin ang isa’t isa araw-araw,” napaka-sweet na sinabi pa ni Ruru.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …