PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
Wala ni isa man sa mga colleague natin (marami kami huh) Mareng Maricris ang may alam sa kung ano bang isyu mayroon between Claudine Barretto at Angelu de Leon?
May pagtataray, sarkastiko, at tila may inis kasi ang pagkakasabi ni Claudine ng “anong Angelu? Walang Angelu. Tayong tatlo lang (Judy Ann Santos, Gladys Reyes, at Clau).”
At inulit -ulit pa niya ito sa tila natatarantang si Gladys Reyes.
Nangyari nga iyan sa 20th wedding anniversary nina Gladys at Christopher Roxas at 18th birthday naman ng anak nilang si Christophe.
“May isyu? Ano ‘yun?,” ang sabay-sabay naming tanong habang kinukunan ng video ang portion na tinatawag na nga ni Gladys ang mga celebrity friends niyang dumalo sa kanilang okasyon.
Nagkataon namang nakaalis na si Angelu kasama ang asawa nito kaya’t clueless ang marami kung bakit parang “napaka-asim” ni Claudine sa naging sagot niya sa tanong ni Gladys sa estado ng planong movie project nila na pagsasamahan nga dapat nila nina Judy Ann Santos at Claudine at na-segue nga ni Gladys ang name ni Angelu na kasama rin dapat.