Monday , February 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paolo Gumabao Sara Sandeva Spring in Prague

Paolo G pa rin sa pagpapa-sexy: hangga’t may magandang offer, matinong story

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

SPEAKING of Paolo Gumabao, hindi niya masasabi kung hanggang kailan siya magpapa-sexy sa movies.

Minsan na niyang nagawa ang magpakita ng ‘pag-aari’ na ipinagmalaki naman niyang pasado bilang “daks,” pero hanggang doon lang daw ‘yun.

“Pero ‘yung pagpapa-sexy o pagtanggap ng roles na need magpakita ng flesh, siguro hangga’t may magandang offer, matinong story at magaling na story at director, go pa rin ako?” wika ni Paolo.

Sa Taiwan nag-spend ng Christmas at New Year si Paolo kasama ang adopted father at lolo niya. Nag-gain siya ng weight dahil sa na-miss niya ang mga food sa Taiwan, pero nangako namang muling ibabalik ang mga pandesal sa kanyang katawan.

Sa Spring of Prague ay marami siyang masasayang experience habang ginagawa ito, pero pinaka-challenging sa kanya ‘yung mga todo-emote niya. Sa kuwento kasi ay sinundan niya mula sa Pilipinas hanggang Czech Republic ang babaeng nagpatibok ng kanyang puso. Then sa gitna ng mga pinagdaanan ng kanilang love story ay mga eksenang todo-todo ang pag-iyak, confrontation at iba pa, habang tinitiis niya ang sobrang lamig ng spring weather. 

Nangangatal at nanginginig na ako sa lamig pero kailangang gawin ‘yung mga eksena. Pati nga si “junjun” naki-emote na sa sobrang lamig,” ang natatawa pa nitong kwento.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Martin Venegas Aga Muhlach Anne Curtis

Aga at Anne gustong makatrabaho ni Martin Venegas

MATABILni John Fontanilla PANGARAP makatrabaho ni Martin Venegas, isa sa bida ng Project Loki  sina Aga Muhlach at showbiz crush …

Ai Ai Delas Alas

Ai Ai hanap pogi at manlilibre ngayong Valentine’s Day

MATABILni John Fontanilla MAY panawagan ang lead actress ng pelikulang Batang Paco na si Ai Ai Delas Alas ngayong …

Pokwang Maddox Jewelry Charo Cordial

Pokwang nawalan ng alahas sa taping

I-FLEXni Jun Nardo MAGKASUNDO agad ang komedyana at negosyanteng si Pokwang at Maddox Jewelry owner  na si Ms. …

Heart Evangelista Heart World Season 2

Heart walang engrandeng piging sa kaarawan sa Feb 14 

I-FLEXni Jun Nardo AMINADO si Heart Evangelista na maarte siyang tao. “At least, may kinapuntahan ang pagiging …

Mentorque Barako Fest 2026

Barako Fest ng Mentorque sa Marso na

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INIHAYAG ng Mentorque ang pagbabalik ng BarakoFest, isa sa pinaka-aabangang multi-experience festivals sa Southern …