Thursday , June 4 2026
River Joseph Y Speak

River Joseph tinutuligsa, ‘di raw bagay sa Y Speak

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MARAMI ang tila hindi pabor sa pagkakasama ni River Joseph sa nagbabalik na Y Speak, ang youth oriented show na isinasa-boses ng mga kabataan ang kanilang mga gusto at disgusto sa mga issue ng buhay.

Sa muli ngang pagbabalik nito ay pinagsama-sama ang mga kabataang may malakas na impluwensiya sa mga bagong sibol na kabataan sa ngayon.

Ang mahal nating kaibigang si Fr. Tito Caluag ang nasa likod ng bagong grupo na kinabibilangan nina River, Elijah Canlas, Ralph de Leon, at KD Estrada.

Tila bukod tanging kay River lang kami nakabasa ng mga impresyong hindi ganoon kaganda dahil tila hilaw umano ito.

Ayon pa sa mga komento at impresyon, “ni wala nga siyang sinabi o anumang salita na ibinigay hinggil sa mga nepo babies at flood control issue, ‘di gaya nina Elijah, KD, at Ralph. Hindi siya believable.”

Mas bagay daw na isama sa grupo si Emilio Daez dahil bukod sa mas may ‘stand’ ito sa mga isyu ay never itong nasangkot sa ‘nepo baby’ na gaya ni River.

Well…

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …