Saturday , May 18 2024
Fifth Solomon Toni Gonzaga

Fifth Solomon umiyak kay Toni, depresyon ibinahagi 

MATABIL
ni John Fontanilla

VERY inspiring ang interview ni Fifth Solomon sa Toni’s Talk ni Toni Gonzaga kamakailan.

Ibinahagi nito ang kanyang buhay simula bata hangang sa kasalukuyan at kung bakit siya na-depress at kung paano nasolusyonan ang kanyang depresyon.

Ayon nga kay Fifth, “Depression is not a sadness nor a choice. 

“Depression is not like a light bulb that you can switch on and off.”

Hindi nga naiwasang mapaluha ni Fifth nang ikinuwento ang pagpasok niya sa isang psych ward, na tumagal ng halos three weeks, June to July.

“Childhood traumas can have a significant impact in our mental health.

“Turn your pain into something creative, because you will find that there is beauty in that pain if you just know how to let it out.”

Sinabi pa ni Fifth na marami siyang natutunan, naging kaibigan at realization nang nasa loob siya ng pysch ward na dala niya sa paglabas.

 “Psych ward is not a place for crazy, it’s a place for peace and rest. Psych ward is a place for pause and breathing.”

At ngayon nga ay hindi na ito sumusugal sa isang relasyon na alam niyang ‘di sigurado.

“Having a relationship should be an addition, not a subtraction. 

“Minsan sarili mo lang din ang bubuo sa ‘yo. Huwag mong iisipin na hindi na matatapos ang pinagdaraanan o ang nararamdaman mo.

“Accept that you are not always 100%, hindi araw-araw dapat palaging masaya. Kasi buhay to hindi pelikula.”

At ngayon ay okey na okey na si Fifth at excited sa kanyang mga proyektong gagawin at isa na ang maganda at kaabang- abang na pelikula na siya mismo ang nagdirehe  na pagbibidahan nina Toni Gonzaga at Pepe Herrera, ang Sassy Girl na mapapanood na sa January 31. 

About John Fontanilla

Check Also

Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box …

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …