I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGLULUKSA ang showbiz entertainment industry sa pagpanaw ng beteranong kolumnista at film critic na si Mario Bautista sa edad na 77 na kinompirma ng mga anak niya sa social media account nila.
Una naming napanood sa TV si Mario sa programang Let’s Talk Movies n nagre-review ng local movies.
Hanggang sa naging bahagi rin kami ng buhay niya noong panahon ng fan magazines sa presscons.
Payapang pumanaw si Mario sa kanyang pagtulog na siya niyang hiling noong nabubuhay pa para hind maging pabigat sa mga anak.
Nakahimlay ang labi ni Mario sa Loyola Chapels sa Commonwealth Avenue, QC hanggang January 19 na sa umaga ng nasabing date ang cremation.
Nakikiramay ang Hataw sa mga naulila ni Mario Escobar Bautista.