Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam, seryoso sa panliligaw kay Jessy (Madalas mag-date at laging nasa restoran ng actor ang aktres)

PUNONG-ABALA si Sam Milby sa bagong bukas na Prost German Pub sa The Fort Strip, Taguig City noong Lunes at inamin ng aktor na ito ang pinagkaka-abalahan niya nitong mga huling araw kapag hindi siya abala sa showbiz.

“Madalas ako rito, there was a time like three times a week,” kaswal nitong sabi.

Sumosyo si Sam kina Dom Hernandez, Stefania Zanirato, Ryan Syjuco, Marc Von Grabowski, at Edward Hernandez na matagal na niyang kaibigan.

Nag-soft opening na raw ang Prost German Pub isang buwan na ang nakararaan at may mga ilang taga-showbiz na rin ang nakapunta, ”actually Jan Slater has been here one of my closest friend, John Prats has been here, Jessy (Mendiola), Bea (Alonzo), rito rin nag-birthday si ate Monch (Novales-Star Magic handler), so maraming taga-Star Magic ang pumunta rito.”

Tinatayang umaabot sa 80-100 ang capacity ng resto-pub at kung rerentahan daw ang buong lugar with set menu ay aabutin lang ng P90,000 ang gastos on a weekends at mas mababa naman kapag weekdays, ”we’re leveling kasi with our weekends sales kaya 90K,” paliwanag ng partner ni Sam na si Dom.

Nagulat nga kami sa inorder ni Slater na german sausage na sobrang laki at tinawag naming ‘galema’ kasi naman parang ahas na nakapaikot at puwedeng ulamin ng sampung tao, ‘di ba Ateng Maricris? (Tama, pagbalik natin doon ‘yun ang oorderin natin—ED)

Ang isa raw sa dahilan kaya laging puno ang Prost German Pub ay ang iba’t ibang klase ng beer nila na galing mismo sa Germany, ”affordable lang ang prices, per head is P500 with set menu plus one free of beer,” ayon naman sa aktor.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …