Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam Milby first time sumosyo sa restaurant business

Samantala, first time ni Sam sumosyo sa restaurant business dahil ‘yung iba niyang pinasukan ay into producing shows kasama na ang concert na Pop Icons na binubuo nila nina Erik Santos, Christian Bautista, Mark Bautista, at Piolo Pascual at ang latest ay ang sold out concert nina Bamboo at Yeng Constantino na By Request na magkakaroon ng repeat sa Marso 2014.  At album producer din ang aktor ng rapper na siQuest.

Bakit restaurant ang pinili ni Sam, ”actually, niyaya ako nina Dom, I don’t know anything about resto, so I’m learning pa,” sabi ng aktor.

Payo namin sa aktor na dapat ay may alam siya kapag pumasok sa isang business, ”yes, knowledge and experience. And because I’m into it, I’m planning to study about (restaurant), online classes or night classes.”

More or less ay may kaunting nalalaman din naman si Sam sa restaurant dahil, ”actually, for two and a half years, server ako, waiter ako sa States, so I have that experience (resto),” pagtatapat nito.

At kaya itinaon sa buwan ng Oktubre ang pagbubukas ng nasabing resto-pub ay para sa Oktoberfest na dinarayo talaga ng mahihihilig sa inuman at may beer drinking contest din daw sila.

Sa kabilang banda, dalawang beses ng nakapunta si Jessy sa resto-pub at lahat daw ay kinakain ng aktres.

“Actually, lahat naman, walang particular,” say ni Sam.

Nagkabiruan ang ilang TV crew na ang pinaka-malaking sausage raw ang gustong-gusto ng dalaga na mismong si Sam ang nagse-serve.

“Wala namang particular, basta anything na i-serve gusto naman niya,” paliwanag ng aktor na hindi hinaluan ng malisya.

Seryosohan na ang panliligaw ni Sam sa bida ng Maria Mercedes dahil parati pala silang lumalabas.

“Gusto ko siya, of course, I admit first time on TV that I’m making ligaw.

“Nasa ligaw state pa rin, getting to know each other, two months pa lang and still early. But we’re enjoying the time and we do hang-out.

“She is very dedicated to her job and very young. She’s turning 21 pa lang sa December,” kuwento ng aktor.

Anyway, nahinto ang shooting ng The Gifted movie nina Sam, Cristine Reyes, at Anne Curtis dahil kailangang tapusin ni Direk Chris Martinez ang Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel na kasali sa 2013 Metro Manila Film Festival.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …