Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
rampa Cecille Bravo

Ice, Liza, RS, Loui, The Divine Divas and  Cecille Bravo magkakasosyo sa Rampa Club

SUPER excited na ang celebrity businesswoman and Philanthropist na si Madam Cecille Bravo sa pagbubukas ng Rampa, ang newest and hottest  Drag Club sa Quezon City na bagong negosyo niya kasama sina RS Francisco, Loui Gene Cabel, The Divine Divas—Precious Paula Nicole, Viñas De Luxe, Brigiding, Ice Seguerra and Liza Diño.

Ayon nga kay Madam Cecille, ang Rampa ang magiging tahanan ng mga talented Drag Queen sa Pilipinas na malaya silang  makakapag-perform at maipamamalas ang kanilang talento.

This will be a place na comfortably makapupunta, sabi nga straight o ano pang preference mo, you can be comfortable of who you are. Even siguro family mae-expose sila tapos magkakaroon sila ng different prespective sa mga drag queen at sa iba pang magpe perform.

“And gusto namin siguro na maging kilala locally, gusto rin namin ito makilala internationally. ‘Yung pumunta mula sa ibang bansa ito ‘yung isang spot na gusto nilang puntahan ‘di ba?

“Siyempre as a businesswoman, ang iniisip ko, it has also to bring in money para we can continue to give you ‘yung magagandang performances top of the line, and we are open for suggestions kung mayroon kayong ibibigay sa amin para kung ano pang puwedeng idagdag namin para to be better and best.

At saka lagi naming sinasabi this is for everybody, hindi namin ito ili-limit. This is a good place na parang you can feel relax with yourself, bring your friends. Hindi sila maiilang ‘pag sumama sa inyo.

“And isa rin sa maio-offer namin sa inyo ‘yung safety, nandoon ‘yung ellegance, good show, good food and affordable price,” paliwanag pa ni Tita Cecille.

Idinagdag pa ng negosyante na, “Siyempre gusto naman ninyo na magtatagal kayo sa isang lugar habang nagtsitsika kayo masarap ‘yung food, we promise you something na iba naman ang take.”

Bukod sa performance ng mga A1 Drag Queens sa bansa, aabangan din dito ang shows ni Ice at ng iba pang sikat na singers and performers sa bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …