Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lotlot de Leon Vilma Santos Christopher de Leon

Lotlot happy na makasama sina Boyet at Vilma

RATED R
ni Rommel Gonzales

PIPILA kami sa When I Met You in Tokyo sa showing nito sa December 25 sa mga sinehan dahil bukod sa balik-tambalan ito ng pinakasikat na loveteam sa showbiz industry na sina Vilma Santos at Christopher de Leon, nasa movie rin ang paborito naming multi-awarded actress na si Lotlot de Leon.

Very happy nga si Lotlot na muli niyang nakasama sa isang proyekto ang daddy niya, pati na rin si Tita Vilma niya na love na love siya at personal pang tumawag sa kanya para imbitahing dumalo ng mediacon ng When I Met You in Tokyo.

Sayang nga lamang at hindi nagkita sina Lotlot at ang Star For All Seasons dahil unfortunately, may sakit si ate Vi sa mismong araw ng mediacon kaya via Zoom lamang ito nakadalo sa event.

Espesyal din para sa amin ang When I Met You in Tokyo dahil isa sa mga producer ng film ay ang mahal naming si Ms. Redgie Acuna-Magno na mula pa noong nasa GMA siya at hanggang ngayon na nasa film producing na siya ay mahal na mahal namin at nanatiling napakabait at reachable sa lahat ng oras.

Special mention and thanks nga pala sa hunky na anak ni Tita Redgie, ang GMA actor na si Pancho Magno sa pa-Christmas caroling nito sa PMPC.

Kaya sa Metro Manila Film Festival sa araw ng Pasko, uunahin namin talagang panoorin sa mga sinehan ang When I Met You In Tokyo, kasunod ang Broken Hearts Trip, at Firefly.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …