Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dingdong Dantes Marian Rivera Nwow

Dindong excited sa bagong endorsement nila ni Marian at mga anak 

MATABIL
ni John Fontanilla

ANG mag-asawang Dingdong DantesMarian Rivera-Dantes, at ang kanilang  guwapong unico hijo na si Sixto Jose Dantes IV  ang kauna-unahang Ambassadors ng NWow Philippines.

Naganap ang contract signing ng Dantes family sa Novotel kasama ang mga big boss ng NWow noong Lunes.

Kuwento ni Dingdong, “Itong mga nakaraang buwan kasi at nakaraang linggo naging very busy kasi kami sa aming mga trabaho.  

“Sobrang excited kami dahil ngayon lang kami (Marian) nagsama (endorsement) after 13 years. Have been said that ‘yung oras namin sa bahay, sa mga bata nabawasan, kaya ngayon na may panahon kami looking forward kami sa mga bagong memories  at bagong exciting activities na puwede naming gawin together.

“And malaking bagay na nagagawa namin siya na magkakasama, sa pamamagitan ng vehicle na ito makapupunta kami sa malalapit na lugar sa aming barangay, to do recreational stuff, just as simple as playing in the park o pupunta sa simbahan. ‘Yung mga bagay na nagagawa lang ng dalawa, kunwari sasakay kami ng bisekleta o scooter, eto (NWow E Bike)  sabay-sabay naming  nagagawa ‘yung mga bagay ‘yun.  

“Kaya kami pumayag at na-excite sa partnership na ito and to build more memories with my family,” masayang pagbabahagi ni Dingdong.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …