Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lolit Solis Bea Alonzo Rhea Tan

Rei Tan ng Beautederm naging daan sa pagbabati nina Bea at Manay Lolit

MATABIL
ni John Fontanilla

SOBRANG saya ng may kaarawan, ang CEO & President ng Beautederm, si Ms Rhea Anicoche-Tan sa mismong birthday celebration nito dahil nagbati ang matagal ng nagkaalitang sina Bea Alonzo na isa sa ambassador ng Beautederm at ang columnist at talkshow host na si Manay Lolit Solis.

Naganap ang pagbabati nina Manay Lolit at Bea habang kinukunan ng litrato ang aktres at si Ms Rei kasama ang iba pang ambassador ng Beautederm. Biglang lumapit si Manay Lolit at pinanood ang nagaganap na pictorial. Nilapitan ni Bea si Manay Lolit, niyakap at nag-sorry, sabay sabing, “Hindi naman ako galit kay Bea, kundi sa manager niya.”

At sa pagbabati ng dalawa hindi naitago ng hardworking, mabait, at matulungin na si Ms Rei ang sobrang masaya dahil parehong mahal nito sina Bea at Manay Lolit.

Nagmistulang Sta Claus naman si Ms Rei sa kanyang kaarawan sa mga premyo sa naging palaro na mula P2k, P100k, tatlong 55 inches Samsung TV na ipinamahagi sa mga dumalong entertainment press.

Samantala, present naman ang halos lahat ng ambassadors ng Beautederm tulad nina Enchong Dee, Maja Salvador, Kitkat, Subshine Garcia, Vice Gov. Alex Caatro, Sanya Lopez, Ynez Veneracion, Luke Mejares, at Ysabel Ortega, samantalang sina DJ Cha Cha at DJ Jhaiho ang nagsilbing host.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …