Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Robb Guinto

Robb handang mag-frontal kung kinakailangan sa pelikula

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAGKAPATID sina Robb Guinto bilang Erlinda at Vince Rillon sa kuwento ng Vivamax film na Araro.

Bakit Araro ang title ng pelikula nila?

Kasi po aararuhin po lahat ni Vince ‘yung mga babae rito,” ang humahalakhak na sagot ni Robb sa tanong namin.

Ang ibang female cast ng Araro ay sina Micaella Raz, Arah Alonzo, Dyessa Garcia, Jenn Rosa, atCaira Lee.

Sino ang ka-love scene niya rito?

Si Matt Francisco po, siya po ‘yung kasintahan ko rito,” banggit ni Robb tungkol sa kanyang leading man na unang beses katrabaho ni Robb.

Paano inihahanda ni Robb ang kanyang sarili kapag unang beses niyang makakaeksena sa isang love scene ang isang lalaki tulad ni Matt?

Lahad ni Robb, “Ano naman po…naging magkaibigan naman po kami agad ni Matt, I mean, nagkapalagayan din naman muna po kami ng loob, since ‘yun nga po, first time namin na magka-work, and then pinag-usapan din naman namin kung paano ‘yung mga gagawin naming eksena bago i-shoot.”

Kahit sexy star ay hindi pa nag-frontal nudity si Robb sa kahit na saang proyekto.

Ay, wala pa po,” pakli ni Robb.

Tatanggapin niya ba kung may frontal nudity na eksena?

Siguro baka mahabang usapan po muna ‘yung gagawin namin, bago po siguro ako pumayag, at saka depende rin po kung gaano kaganda ‘yung istorya.

”Go naman po ako basta mapag-uusapan namin.

“Ngayon wala pa naman po.”

Nasa cast din ng Araro sina Vino Gonzales, Raffy Tejada, at Ronnie Lazaro.

Ito ay sa direksiyon ni Topel Lee.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …