Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janelle Jamer Claudine Barretto

Janelle ibinuking kung paanong nawawalan ng tiwala sa sarili si Claudine

RATED R
ni Rommel Gonzales

NEVER pang nag-away ang mag-bestfriend na sina Janelle Jamer at Claudine Barretto.

May ibang tao na misunderstood si Claudine, pero para kay Janelle, sino o ano ang totoong Claudine Barretto?

Una, Claudine is, she’s a good person,”  ani Janelle. “Hindi ako tatagal kung masamang tao si Claudine.

“Pangalawa, ang kasamaan ni Claudine is ‘yung sobrang generous niya sa iba and sometimes you know, mali, sa maling paraan na sobrang generous.

“Siguro kaya rin kami tumatagal kasi ako never akong nag-accept ng anything from her. Anything, wala akong tinatanggap.

“Kaya minsan nagagalit ‘yun, ‘Ano ka ba? Bakit ganito, ayaw mo?’

Kasi, wala lang. Gusto ko friends kami ng wala kamin, hindi ko naman iniisip na sa huli magkakasumbatan kami, you know.

“But I can give what I have, dahil sanay din naman akong magbigay pero siya sinasabi ko sa kanya na this time around ibahin naman natin ang istorya ng buhay mo, ‘di ba?

“Si Claudine naman, lahat naman ng tao may iba-ibang mood, eh. Pero laging sinasabi sa akin ng mga kaibigan ko na, ‘Uy tawagan mo si Claudine para kumalma.’

“You know? Kasi ‘pag nag-advise naman ako, though mas matanda sa akin si Claudine kapag kinakausap ko kasi siya, alam kong alam niya ‘yan eh, na binabali ko ‘yung atensiyon niya.

“Sasabihin ko, ‘May bago kang project, ang payat-payat mo, ang ganda-ganda mo! Optimum star ka na!’”

Lahad pa ni Janelle, “Minsan kasi si Claudine hindi lang alam ng tao pero wala talaga siyang confidence. At lagi kong sinasabi sa kanya na, ‘Mali ka sa iniisip mo, makakabalik ka pa, mahal ka pa ng mga tao.’”

So iniisip ni Claudine na hindi na siya makakabalik sa pagiging artista?

“There was a time na ganoon. Pero ngayon noong pumayat siya nakita ko naman na naging happy siya kasi nagkakaroon na siya ulit ng mga project, ‘di ba?”

At Claudine Barretto siya.

Iyon nga eh, sinasabi ko ‘yan ng paulit-ulit  sa kanya.

“So iyon. Away hindi pa kami nag-away una wala naman akong rason para awayin siya, wala rin siyang rason para awayin ako.

“Actually hindi niya ako inaaway sumbungan ako talaga ni Claudine, ‘Ano ang dapat kong gawin, naiinis ako’, ganyan.

“Kakausapin ko siya, ‘Ito, ito ang gawin mo, BFF,’ ganyan.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …