MATABIL
ni John Fontanilla
MARIING pinabulaanan ni Ricci Rivero na may naganap sa ahasan sa kanila ni Andrea Brillantes at sa bagong girlfriend na si Leren Mae Bautista.
Noong unang nakitang magkasama sina Ricci at Leren ay super deny ang basketbolista na kesyo wala silang relasyon. Pero ngayon, umamin na rin ito na sila na nga ng beauty queen/public servant.
Sa Instagram ay ipinagtanggol ni Ricci si Leren na sinabihan nito ng real queen at right one.
“To the girl who i see as a real QUEEN 👑 With all the wrongs hounding me, I’m blessed to have found the right one. Allow me to shield you from things you don’t deserve,” ani Ricci.
“Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya,” sey niya.
“Walang nang agaw at walang inagaw kaya “walang bibitaw dahil masaya tayong magka hawak kamay.
“I love seeing how you genuinely continue to help and care for people everyday despite others trying to ruin your reputation. Rest assured I will be with you in inspiring people to always be better. Thank you for being so selfless and simple,” sambit pa niya.
“I promise to never again live a life manipulated by someone’s fantasy. This is our story, hindi dapat iba ang mag kwento ng storya nating dalawa!” dagdag pa.
Mukhang may pinatataan si Ricci sa dating karelasyong si Andrea at sa mga supporter ng dalaga.