Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Muling Buksan ang Puso, matagumpay na magtatapos ngayong Biyernes

NGAYONG linggo na magtatapos ang teleseryeng sinubaybayan ng bayan, ang Muling Buksan Ang Puso  na pinagbibidahan nina Julia Montes, Enrique Gil, at Enchong Dee.

Naka-program ang Muling Buksan ang Puso ng 13-weeks na naging very exciting ang takbo ng kuwento. Sa panonood namin gabi-gabi ng seryeng ito, walang episode na lumaylay ang story nito. Sabi nga namin, isa ito sa mga teleseryeng napakabilis ng pacing. Kaya sa isang gabing ‘di ka mapanood, mawawala ka na. Hindi mo na alam ang nangyayari.

Sa totoo lang, kung nasanay na tayo gabi-gabi na tumututok sa ganitong klase ng programa, tiyak na mami-mis natin ang ganito kagandang teleserye sa primetime. Masasabing bukod sa ganda ng istorya, ang  teleseryeng ito rin ang naging daan para mag-level up ang acting nina Enchong, Julia, at Enrique.

Hindi rin naman matatawaran ang pagganap ng mga award-winning casts  na sina Susan Roces, Pilar Pilapil, Dante Rivero, Cherie Gil, Agot Isidro, at Christopher de Leon.

Mawala man ang MBAP, nakapag-iwan naman ito ng magandang ehemplo na kahit maigsi lang ito sa ere (unlike other previous teleseryes), hindi nag-suffer ang quality nito.

Kudos sa ABS-CBN at sa Dreamscape sa pagbuo ng maganda at de kalidad na seryeng tulad ng Muling Buksan Ang Puso. Kaya huwag bibitaw ngayong linggo sa pagtutok dahil marami pang mangyayari.
Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …