Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Francis Kiko Magalona Abegail Rait Frachesca Gaile Magalona

Netizens ikinagulat paglutang ng anak ni Francis M. sa ibang babae

MATABIL
ni John Fontanilla

USAP-USAPAN sa social media ang paglitaw ng mag-inang Abegail Rait at Frachesca Gaile Magalona sa isang episode ng Boss Toyo Production (Pinoy Pawnstars) na talaga namang ikina-shock ng karamihan.

Hindi nga inaasahan na pagkalipas ng halos 15 taon, biglang lulutang at magsasalita ang nakarelasyon noon ni Francis M. na nagkaroon ng isang anak na babae.

At ito nga’y naganap sa pagbebenta ng memorabilia ni Francis M. kay Boss Toyo ni Abegail kasama ang kanyang anak na si Gaile.

Ayon kay Abegail, “We Do Exist.

“[…] For 15 years nanahimik ako, I didn’t say anything about me and my daughter. Siguro naman ito na lang ’yung karapatan na pwede kong magawa para sa kanya. Kasi hindi naman ako nagsalita. I know people will judge me but we exist, what we had is real. Me and my daughter exist. Mahal niya kami, and that’s a fact.”  

Kasunod nito nag-post naman ito sa kanyang FB. “Grateful to share Francis M’s memorabilia now for keeps. Thank you, Pinoy Pawnstars Boss Toyo for making us part of Kiko’s legacy for Cheska.” 

Ibinahagi rin ni Abegail sa kanyang Facebook reel ang video ng pagbisita nila ng anak na si Gaile Francesca sa puntod ng “King of Rap” ng Pilipinas. 

Katulad ni Francis M ay napakahusay ding mag-rap si Gaile na handang-handang pasukin ang showbiz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …