Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Istoryang Mars Ravelo at mga dating komiks

REDONDO komiks, dito unang nalathala ang una kong sinulat na showbiz article.  Thatwwas in 1962 oong ako ay nasa grader pa lamang sa Paco Catholic School.  Isubmited my handwriting facts sa Stardust Corner na kung saan tampok ang mini biography ng  isang bituin at drawing lang ng mukha ng artista ang nakalathala. Ipinadadala ko yun sa pamamagitin ng koreo. At pinapadalhan din naman ako ng kopya bilang kabayaran. Tuwang tuwa ako sa tuwing napa-publish ang akong lathalain.

Noong 1969, sa edad na disiotso ay naging tunay na showbiz writer na ako.  Nagsimula ako sa Gold Star Publishing House sa Letre, Malabon. Si Rudy Ner Siongco angaming publisher at ang unang pat niyang nanasahin ay Teenage, Dalisay,Sindak at Pag-ibig.Nakasama ko diyan sina Ernie Pecho at Babette Villaruel.  Si Deo J. Fajardo Jr. ang nagdala sa akin sa nasabing publishing house.

Naging writer din ako ng PSG Publishing House ng isa pang batikang nobelista, si Pablo S. Gomez na siyang gumagawa ng istorya ng mga pelikula ng Sampaguita Pictures.  Naging kolumnista din ako ng Affililiated Publications ng hawak ni Tony Tenorio. Naroon na si Carlo J. Caparas na siyang binibigyan ko ng cover material para saEspesyal, Tagalog, Hiwaga at Pilipino Komiks. At halos lahat ng publications ay nabigyan ako ng pagkakataon.  Mabile ang mga komiks noon. Hindi gaya ngayon na tabloid ang naghahari sa mga babasahin.

Sa Llahat ng manunulat sa bansa, ang hindi ko malilimutan ay ang dakilang nobelistang si Mars Ravelo.  Siya ang kumikha ng”Dyesebel”, “Darna”, “Maruja”, “Captain Barbel” at di mabilang na istoryang naisapelikula. Malaki ang naitulong niya sa akin bilang manunulat. Apat ang kanyang babasahin:  Bulaklak, Kampeon, Raveloat Teen World. Binigyan niya ako ng kolum a apat na nabanggit na komik-magazines. Tinuruan din niya ako sa epektibong pagsusulat.

44 years na ako sa movie writing. Maging sa Liwayway Magazineay lagi akong nagko-cover story noon. Hindi na mabilang ang dami ng aking sinulatan, gaya ng Jingle Estra Hot.  Ito ang panahong nagdagsaan na ang maraming showbiz writers. Hindi a uso ang ‘envelope’ noon.  Kapag meron kaming presscon sa Sampaguita Studio, isang masaganang tanghalian ang handog ng mga Vera Perezes.  Meron din silang presskit.

Wala na ngang komiks at mga fan magazines sa bangketa ngayon.  Lahat ay tabloid na nagpapatalbugan sa kani-kanilang shiwbiz news. Masisipag din ang mga bagong showbiz writers ngayon. Mas energetic sila at maraming gustong patunayan. Bagamat meron pa ring ilang beterano na patuloy sa kanilang panulat gaya nina Ethel Ramosat Ronald Constantino.

Im 62, heto at kahit masakit ang likod ay gusto ko pa ring tuparin ang aking trabaho bilang manunulat. Ang pagsusulat ay hindi ko kalian man pinagsawaang trabaho. Dito po sa Hataw ninyo matutunghayan ang aking pakikipag-kuwentuhan sa inyo.  Maraming salamat.

Chito Alcid

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …