Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Poppert Bernadas

Alaga ni Ogie na si Poppert may concert sa  Music Museum

MATABIL
ni John Fontanilla

PAGKATAPOS ng  sold-out concert last January entitled Ang Musika, Ang Teatro at Ako sa  Cultural Center of the Philippines,

ng mahusay na singer na si  Poppert Bernadas ay magkakaroon ito ng another concert this November 11, sa Music Museum, ang Who Put the POP in POPPERT?

Excited na nga si Poppert sa kanyang padating na concert at grabeng paghahanda na ang kanyang ginagawa.

Tsika ni Poppert bilang paghahanda sa kanyang concert, “Nagri-research po ako ng mga hit songs na gusto ni sir Floy (Quintos).”

At desisyon ng kanyang direktor na ‘wag nang i-announce ang kanyang magiging espesyal na panauhin. “It’s a directorial decision, hindi siya naglagay ng guests!!! Good luck sa akin hahaha,” natatawang pahayag ni Poppert.

Sobra-sobrang pasasalamat naman ang gusto nitong iparating sa mag-asawang negosyante at philanthropist na sina Pete at Cecille  Bravo ng Intele Builders and Development Corporation.

Grabe po po sumuporta sina Tito Pete at Tita  Cecille, tunay na hulog po sila ng langit sa lahat ng mga artist na natulungan nila.

“At isa na ako sa buong pusong nagpapasalamat sa kanilang pagmamahal sa akin at sa paniniwala sa kakayanan ko bilang artist at nagpapasalamat din ako sa suporta ng Ka Fam.”

Inaalay ni Poppert ang kanyang concert sa kanyang pamilya, kaibigan, at supporters.

Ang Who Put the POP in POPPERT? ay gagawin sa Music Museum sa Nov

 11 mula sa direksiyon ni Floy Quintos.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …