MATABIL
ni John Fontanilla
MAY mensahe ang host ng Eat Bulaga na si Yorme Isko Moreno kaugnay sa isyung kinasasangkutan ng It’s Showtime na hindi naaprubahan ang apela tungkol sa 12 days suspension na ipinataw sa kanila ng MTRCB(Movie and Television Review and Classification Board).
Ayon kay Yorme Isko nang makausap namin sa studio ng Eat Bulaga, “Well, I’m not familiar with the rules, prohibitions of MTRCB, and the penalty attached to it, so I really don’t know.
“But siyempre ako, ‘yung akin naman, my point of view, as a citizen, alam mo tayo sa pamahalaan, tama tayo na mag-regulate.
“Okay ‘yan para naman may certain level of discipline among ourselves. Like in this case, showbiz. It’s good there still a regulatory agency like MTRCB for everyone.”
Dagdag pa nito, “But at the end of the day we have to be just kailangan maging makatuwiran tayo sa pagpapatupad.
“In this case for example siguro kung minsan kung sino ‘yung nagkamali na lang, siya na lang ‘yung patawan.
“’Wag na natin idamay ‘yung buong show kasi nakakaawa naman ‘yung productions,” pagtatapos ni Yorme Isko.