ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ANG kilalang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio ng Borracho Films ay sumabak na rin sa pag-aalaga ng talents sa pamamagitan ng bagong tatag na talent management na Borrat-Borracho Artists and Talent Management.
Ginanap ang launching nito kasunod ng go-see last Sept. 13. Dito’y nakita namin ang mga may potensiyal na aktres at mga tao behind the camera na posibleng maging bahagi ng kompanya ni Atty. Ferdie.
Nakita namin doon ang magagandang possible na aktres sa ilalim ng nasabing talent management. Puro babae muna ang nag-go-see at susunod naman daw ay mga kalalakihan.
Ang masusuwerteng mapipili ay magiging bahagi ng planong 20 movies na gagawin ng Borracho Films. Dalawa rito ay ang Pain at One Dinner a Week na pawang tatampukan ni Edu Manzano.
Sumusugal si Atty. Ferdie para makatulong sa movie industry. Nais kasi niyang itaas ang antas ng kalidad ng mga pelikulang ginagawa sa bansa, Layunin din niyang makapagprodyus ng magagandang pelikula na kapupulutan ng aral ng moviegoers.
Target na ipalabas ng kontrobersiyal na abogado ang kanyang mga gagawing pelikula sa international market tulad ng China, Taiwan, Hong Kong, at iba pang bansa.
Nakilala ang Borracho Films sa pagprodyus pelikulang Mamasapano na nanalo ng limang award sa 2022 Metro Manila Film Festrival at ng movie na Deception, na naging balik-tambalan nina Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto.